Shuvee Etrata takes on the challenge of starring in a horror film | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Isa si Shuvee Etrata sa mga bibida sa upcoming GMA Pictures at Mentorque Productions horror film 'Huwag Kang Titingin.'

Shuvee Etrata takes on the challenge of starring in a horror film

By HAZEL JANE CRUZ

Opisyal nang sumabak si Sparkle star at former Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate na si Shuvee Etrata sa kaniyang pinakabagong horror film, Huwag Kang Titingin.

Isa itong bagong collaboration sa pagitan ng GMA Pictures at Mentorque Productions.

Sa isang 24 Oras report, ibinahagi ng aktres and kaniyang saloobin sa nasabing horror film.

“Mahirap siya, mahirap siya, in fairness, 'yung horror kasi matatakutin ako,” ani Shuvee.

Pero ayon sa aktres, ang kaniyang pagiging matatakutin ang isa sa ma nakakatulong sa kaniya sa set.

Kuwento ni Shuvee, “'Yung reactions ko, at least, normal, kasi matatakutin nga ako.”

“Tinatakot na talaga rin ako ni Direk,” dagdag pa nito.

Makakasama ni Shuvee Etrata sa nasabing pelikula sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Michael Sager, Sean Lucas, Kira Balinger, Josh Ford, Anthony Constantino, Charlie Fleming, at Sherilyn Reyes.

RELATED GALLERY: THE STAR-STUDDED STORYCON OF HUWAG KANG TITINGIN

Pangungunahan ito ng direksiyon ni Frasco Mortiz at written/creatively produced ni Ays De Guzman.

Isa lamang ito sa marami pang mga proyekto ni Shuvee matapos ang kaniyang memorable na pananatili sa loob ng PBB House, kaya naman motivated ito na mapatuloy sa industriya.

“When I was starting, I was fueled by the fire of my dreams for my family, pero right now, I'm not alone-- it's the dreams of my pangkat, of my fans, of my supporters-- hindi na po ako nag-iisa ngayon,” ani Shuvee.

Dagdag ng aktres, “Laban ko na po 'to para mapasaya rin ang mga supporters ko at maka-inspire pa ng maraming tao, so focus ako sa positivity and kung ano pa ang puwede kong mabigay sa mga tao na kasiyahan.”

RELATED GALLERY: SHUVEE ETRATA IS ONE BIG FORCE IN HER KAPUSO PROFILES SHOOT