Marco Masa, enjoy sa set ng horror film 'Huwag Kang Titingin' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Abangan ang pagbabalik ni Marco Masa sa horror film na 'Huwag Kang Titingin.'

Marco Masa, enjoy sa set ng horror film 'Huwag Kang Titingin'

By KRISTINE KANG

In the making na ang pinakabagong horror movie ng GMA Pictures at Mentorque Inc., na Huwag Kang Titingin!

Noong September 20, masayang ibinalita ng produksyon at cast ang kanilang unang araw ng taping sa isang isolated provincial set. 

Kitang-kita ang energy ng stars sa group photo, kabilang sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Michael Sager, Sean Lucas, Josh Ford, Charlie Fleming, Kira Balinger, at Anthony Constantino.

Sa panayam ng GMA Integrated News, ibinahagi ng MAKA actor na si Marco Masa ang kanilang unforgettable experience.

"Super fun honestly. Kasi 'yung mga kasama ko po is mga ka-close ko na talaga. But 'yung the set itself, syempre nakakatakot. Lalo na 'yung pagka nandoon na 'yung set-up, challenges ginagawa namin on set," ani Marco.

Excited din ang aktor online para sa kanyang comeback sa horror genre at sa bagong role. 

"Another horror movie in the bag but this one has its own flavor. Aside from this is my first with GMA Pictures and Mentorque Inc. Productions, there will be a whole new approach to this character. Meet Brian," post niya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Marco Masa (@itsmemarcomasa)

Abangan ang chilling horror experience ng Huwag Kang Titingin, sa direksyon ni Frasco Mortiz at sa panulat ni Ays De Guzman.

Kasama rin sa cast sina Shuvee Etrata at Sherilyn Reyes.

Balikan ang star-studded highlights ng Huwag Kang Titingin storycon sa gallery na ito: