Charlie Fleming, enjoy makasama ang cast ng 'Huwag Kang Titingin' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Abangan ang bagong horror film na ‘Huwag Kang Titingin,’ soon. 

Charlie Fleming, enjoy makasama ang cast ng 'Huwag Kang Titingin'

By KRISTINE KANG

 

Tuloy na tuloy ang produksyon ng upcoming horror film ng GMA Pictures at Mentorque Inc. na Huwag Kang Titingin!

Mula nang simulan ang unang taping noong September, enjoy na enjoy ang buong cast sa paggawa ng pelikula sa isang isolated provincial set.

Kabilang sa star-studded cast ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 3rd Big Placer na si Charlie Fleming.

Sa isang panayam kasama ang 24 Oras, ibinahagi ni Charlie ang kanyang karanasan sa set.

"Huwag Kang Titingin has been crazy recently," masaya niyang ikinuwento. 

"Super exciting 'yung storyline kasi and sobrang saya ng set. Kasi kasama ko ang lahat ng, 'yung iba PBB, iba naman super ka-jive ko lang talaga. 'Yung set namin parang feeling namin 'di kami nagwo-work minsan."

Kasama ni Charlie sa pelikula ang mga well-loved stars na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Michael Sager, Sean Lucas, Josh Ford, Kira Balinger, Shuvee Etrata, Anthony Constantino, at marami pang iba. 

Abangan ang chilling horror experience ng Huwag Kang Titingin, sa direksyon ni Frasco Mortiz at sa panulat ni Ays De Guzman.

Balikan ang star-studded highlights ng Huwag Kang Titingin storycon sa gallery na ito: