Jessica Soho, pinuri ang acting skills nina Jillian Ward, Sanya Lopez, at Miguel Tanfelix sa 'KMJS Gabi ng Lagim The Movie' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Jessica Soho sa pag-arte nina Jillian Ward, Sanya Lopez, at Miguel Tanfelix sa 'KMJS Gabi ng Lagim The Movie': "Ang gagaling nila. Wala akong masabi."

Jessica Soho, pinuri ang acting skills nina Jillian Ward, Sanya Lopez, at Miguel Tanfelix sa 'KMJS Gabi ng Lagim The Movie'

By KAREN JULIANE CRUCILLO

Bumilib ang broadcast-journalist at host na si Jessica Soho sa powerhouse cast ng upcoming horrror film na KMJS' Gabi ng Lagim The Movie matapos mapanood ang pelikula sa premiere night noong Lunes, November 24.

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, hindi napigilan na purihin ni Jessica ang acting skills nina Jillian Ward, Sanya Lopez, at Miguel Tanfelix.

“Ang gagaling nila. Wala akong masabi,” sabi ng journalist na tila hindi pa rin makapaniwala sa kanyang napanood.

Ikinuwento rin niya na katabi niya si Jillian sa sinehan at panay ang tanong niya sa Star of the New Gen tungkol sa mga eksena nito.

“Katabi ko si Jillian, tanong ako nang tanong sa kanya, 'Nagawa mo ba lahat 'yan? Paano mo ginawa?' So, kasi ang galing e. Ang galing nung acting niya,” kuwento niya.

Nagbigay rin siya ng papuri kay Sanya dahil sa husay nito sa pag-arte at inamin na na-excite siya sa bawat eksena ng aktres.

“Si Sanya rin, ang galing diba. Parang mga may naiisip akong pwede pang gawin ni Sanya kung producer ako kaso hindi naman ako magpo-produce. Ang galing e,” pahayag ni Jessica.

Samantala, ramdam na ramdam naman umano ni Jessica ang emosyon ni Miguel, lalo na't napuntahan niya mismo ang barkong ginamit sa pelikula.

“Tapos si Miguel din, ramdam na ramdam mo 'yung lahat ng pinagdadaanan niya sa barko kasi pinuntahan ko 'yun e, 'yung barko nila, kung saan sila nag-shooting,” aniya.

Dagdag pa niya, “Wow, lahat kahit 'yung mga character actors, si Martin Del Rosario, si Epi [Quizon], ang gagaling! Si Rocco [Nacino], markadong markado, si Ashley [Ortega], galing, si Elijah [Canlas], ang galing.”

Kasama rin sa cast ng upcoming horror film sina Kristoffer Martin, Jon Lucas, at Therese Malvar.

Mapapanood na ang KMJS' Gabi ng Lagim The Movie simula Miyerkules, November 26 sa mga sinehan nationwide.

RELATED GALLERY: 'KMJS' Gabi ng Lagim The Movie' premiere night, star-studded!