'KMJS' Gabi ng Lagim The Movie,' pinilahan sa mga sinehan
November 27 2025
Dinagsa at pinilahan ang first day ng KMJS’ Gabi ng Lagim The Movie sa mga sinehan nitong November 26. Sa katunayan, maaga pa lang ay sold out na ang pelikula sa SM North EDSA.
Bumisita rin sina multi-awarded broadcast-journalist at host Jessica Soho at Sparkle star Jon Lucas at Phi Palmos, mga bida sa “Pocong” episode ng pelikula sa mga sinehan. Nakapagbenta pa nga sila ng ilang tickets sa fans sa nagtiyagang pumila para panoorin ang pelikula.
Pagkatapos ng pelilkula ay sinorpresa at binati pa nina Miss Jessica at Jon ang mga nanood ng KMJS’ Gabi ng Lagim The Movie. Paglabas nila, tinanong ng batikang broadcast-journalist ang mga manonood kung nag-enjoy ba sila, na sinagot naman ng masigabong palakpakan at hiyawan.
“Maraming, maraming salamat po, sold-out po kami ngayong gabi. Maraming salamat po at sana ay ipamalita n’yo po na maganda po ‘yung pelikula, nakakatakot talaga kasi, totoo ho ‘yun,” sabi ni Jessica sa isang exclusive video ng GMA Pictures.
Game din ang mga manonood na samahan ang batikang host na sambitin ang kanyang tagline na “I-KMJS na ‘yan!”
BALIKAN ANG STAR-STUDDED PREMIERE NIGHT NG 'KMJS' GABI NG LAGIM THE MOVIE' SA GALLERY NA ITO:
May tatlong nakakakilabot na istoryang hango sa totoong buhay ang KMJS’ Gabi ng Lagim The Movie. Ang “Pocong” na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Jon, at Phi, ang “Berbalang” nina Sanya Lopez, Elijah Canlas at Rocco Nacino, at ang “Sanib” na pinagbibidahan nina Jillian Ward, Ashley Ortega, at Therese Malvar.
Noong Lunes, November 24, naganap ang black carpet premiere kung saan nagpakita ng suporta ang ilang Sparkle stars at personalities tuald nina Dingdong Dantes, Barbie Forteza, at Ysabel Ortega.
Panoorin ang report sa Unang Chika dito:
Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus