Jessica Soho, Martin Del Rosario, sinorpresa ang mga manonood ng 'KMJS' Gabi ng Lagim The Movie' sa isang mall | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Hindi lang sa nakakatakot na mga kuwento nagulat ang mga manonood, nabigla rin sila sa sorpresang pagbisita nina Jessica Soho at Martin Del Rosario sa sinehan.

Jessica Soho, Martin Del Rosario, sinorpresa ang mga manonood ng 'KMJS' Gabi ng Lagim The Movie' sa isang mall

By KRISTIAN ERIC JAVIER

Well-received ng mga manonood ang horror film na KMJS' Gabi ng Lagim The Movie sa mga sinehan. Sa katunayan, pinipilahan pa rin ito ng mga mga manonood sa ikatlong araw ng pelikula. 

Ngunit hindi lang sa nakakatakot na mga eksena sila nagulat, kundi maging sa pagbisita mismo nina multi-awarded broadcast journalist Jessica Soho, at ni Kapuso actor Martin Del Rosario sa sinehan.

Bumibida si Martin sa episode na “Sanib” kasama sina Jillian Ward, Ashley Ortega, at Therese Malvar.

Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Biyernes, November 28, patuloy na nag-iikot si Jessica kasama ang ilang cast ng pelikula. At sa isang mall sa Maynila, kasama naman niya si Martin na nagbenta ng tickets at namigay ng movie posters.

Sa isang mall naman sa Caloocan, sinorpresa din nila ang mga manonood sa loob ng sinehan kung saan nakapagpa-picture pa ang ilang fans sa kanila.

BALIKANG ANG STAR-STUDDED PREMIERE NIGHT NG 'KMJS' GABI NG LAGIM THE MOVIE' SA GALLERY NA ITO:


Natutuwa umano si Jessica sa natanggap na magagandang feedback ng naturang horror film.

"Maraming salamat po, 'yung pagtanggap ng mga manonood dito sa KMJS' Gabi ng Lagim The Movie, thank you po, salamat po ng sobra," sabi ni Jessica.

Proud naman si Martin na maging part ng naturang horror film, at sinabing masayang-masaya siya sa natatanggap na magandang feedback ng pelikula.

"Sana panoorin pa nila sa mga susunod na araw," sabi ng aktor.

Tampok sa pelikula ang tatlong kuwento na hango sa totoong buhay. Ang “Pocong,” na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Jon Lucas, at Kristoffer Martin, ang “Berbalang” nina Sanya Lopez, Elijah Canlas, at Rocco Nacino, at “Sanib.”

Panoorin ang panayam kina Jessica at Martin dito: