Alden Richards, nagpa-block screening ng 'KMJS' Gabi ng Lagim The Movie'
November 29 2025
Excited na rin si Asia’s Multimedia Star Alden Richards na mapanood ang horror film na KMJS’ Gabi ng Lagim the Movie. Sa katunayan, nagpa-block screening din siya para sa ilang fans na gusto na rin mapanood ang naturang pelikula.
“I’m very much a fan of horror films and nu’ng nakikita ko nga ‘yung trailer everytime na nanonood ako ng Kapuso Mo, Jessica Soho kasi pine-play ‘yun sa episodes, kakaiba. Ibang quality, ibang way of storytelling ‘yung ginawa dito,” sabi ni Alden sa panayam sa kanya ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras nitong November 28.
Binigyang pansin din ng Asia’s Multimedia Star ang key point ng pelikula na totoong kuwento ito mula sa iba’t ibang tao, dahilan para lalo siyang ma-excite na mapanood ito.
Nasa block screening din ang multi-awarded broadcast journalist at host na si Jessica Soho, ang isa sa mga bumibida sa “Sanib” na si Martin Del Rosario, at ang bida ng “Berbalang” na si Sanya Lopez.
Palabas na sa mga sinehan ang KMJS’ Gabi ng Lagim The Movie simula November 26. May tatlong kuwento na hango sa totoong buhay ang pelikula; ang “Pocong,” na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Jon Lucas, at Kristoffer Martin, “Berbalang” nina Sanya, Elijah Canlas, at Rocco Nacinco, at “Sanib” nina Jillian Ward, Ashley Ortega, at Martin.
Panoorin ang panayam kay Alden dito:
SAMANTALA, BALIKAN ANG STAR-STUDDED PREMIERE NIGHT NG 'KMJS' GABI NG LAGIM THE MOVIE' SA GALLERY NA ITO:
Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus