Jillian Ward, Miguel Tanfelix nakasama ang mga kaibigan, fans sa block screening ng 'KMJS Gabi ng Lagim The Movie'
December 03 2025
Nakasama kamakailan lang ni Star of the New Gen Jillian Ward ang ilang mga kaibigan at fans sa isang block screening ng pinagbibidahan niyang pelikula na KMJS Gabi ng Lagim The Movie sa isang sinehan sa Quezon City.
Sa report ni Iya Villania sa "Chika In A Minute" ng 24 Oras nitong Lunes, December 1, personal na pinasalamatan ni Jillian ang lahat ng mga nanuod at sumuporta sa naturang horror film.
Ilan sa mga nagpunta para manood sa naturang block screening at ang dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina Josh Ford at Kira Balinger, ang kaniyang dating Prima Donnas co-star na si Althea Ablan, at Abot-Kamay na Pangarap co-stars na sina Eunice Lagusad at John Vic De Guzman. Naroon din si Michiko, na niregaluhan pa ang aktres ng framed poster ng "Sanib."
Source: GMA Pictures
Samantala, nagpakita rin ng suporta ang ina ni Miguel Tanfelix na si Mommy Grace Tanfelix nang panoorin ng buong pamilya nila sa sinehan ang naturang horror film.
Source: GMA Pictures
Sulat ni Mommy Grace sa kaniyang Facebook post, “#KMJSGabiNgLagimTheMovie is now showing!”
BALIKAN ANG STAR-STUDDED PREMIERE NG 'KMJS GABI NG LAGIM THE MOVIE' SA GALLERY NA ITO:
Bumibida si Jillian sa “Sanib,” kasama sina Ashley Ortega at Martin Del Rosario, isa sa tatlong istoryang hango sa totoong kuwento na mapapanood sa KMJS Gabi ng Lagim The Movie.
Mapapanood din ang “Pocong” na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Kristoffer Martin at Jon Lucas, at “Berbalang” nina Sanya Lopez, Elijah Canlas at Rocco Nacino.
Napapanood na ang KMJS Gabi ng Lagim The Move sa mga sinehan nationwide, simula noong November 26.


Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus