'Huwag Kang Titingin' cast, kinilabutan kaagad sa script at set ng horror film | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Abangan ang 'Huwag Kang Titingin' sa mga sinehan ngayong Aril 15, 2026!

'Huwag Kang Titingin' cast, kinilabutan kaagad sa script at set ng horror film

By KRISTINE KANG

Paparating na ang sumpang magbabaliktad sa lahat sa upcoming horror film na Huwag Kang Titingin!

Sa inilabas pa lamang na mga teaser, agad nang naramdaman ang matinding tensyon at mga eksenang magpapatindig-balahibo sa produksiyon ng GMA Pictures at Mentorque Productions. 

Ngunit hindi lamang sa harap ng kamera umigting ang takot, dahil maging ang cast ay may ibinahaging kakaibang karanasan habang ginagawa ang pelikula.

Sa kanilang panayam kasama ang 24 Oras, inamin ng ilan sa mga bida na may mga sandaling tunay nilang naramdaman ang kaba at kilabot sa set.

"Kami ni Sofi nag-shoot mismo kami sa sementeryo ng madaling-araw hanggang umaga. So talagang habang ginagawa namin 'yung mga eksena, as in parang totoo na natatakot," kuwento ni Allen Ansay

Sina Sofia Pablo at Marco Masa, kinilibutan kaagad noong nakita ang script ng pelikula. 

" 'Yung binabasa ko po 'yung script noong unang sinend sa akin, mag-isa kasi ako noon, hindi ko tinuloy kasi natakot ako. Alam naman natin na 'yung producers which is GMA Pictures at Mentorque Inc., ang galing nila talaga na gumawa ng horror. So very exciting na mapabilang sa ganitong film," papuri ni Sofia. 

Bagama't suki na siya sa horror genre, iba pa rin daw ang naging pakiramdam ni Marco sa Huwag Kang Titingin

"Nakakatakot siya honestly. Like ibang klaseng takot 'yung naramdaman ko. While reading the script, medyo creepy na siya. Pero noong nandodoon na ako sa set, mas doon nag-sink in sa akin at noong nakita ko na 'yung nakakatakot as in talagang nakakatakot siya at nakakadala rin," aniya.

Para naman kay Sean Lucas, may isang eksena na hindi niya malilimutan sa pelikula. 

"Parang may parade 'yung pupuntahan naming parang baryo o sitio. Tapos lahat nakatakip 'yung mukha, may belo. So kami mismo na nandoon sa set, talagang nakakatakot talaga siya. It really sets the vibe for the horror movie," pahayag niya. 

Kasama rin sa cast ang ilang dating housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na sina Michael Sager, Charlie Fleming, Josh Ford, Kira Balinger, at Shuvee Etrata. Tampok din sa pelikula ang Kapuso star na si Anthony Constantino na aniya'y film debut kasama ang GMA Pictures.

Abangan ang nakakakilabot na horror experience ng Huwag Kang Titingin, coming soon sa mga sinehan ngayong April 15. 

Samantala, silipin ang Huwag Kang Titingin storycon sa gallery na ito: