Michael Sager at Charlie Fleming, first time gaganap sa horror movie
March 12 2026
Isang bagong acting experience para kina Michael Sager at Charlie Fleming ang kanilang upcoming horror film na Huwag Kang Titingin.
Kilala sa kanilang drama series at off-cam comedy, ngayon naman ay sumabak ang dalawang Kapuso stars sa chilling setting ng horror genre.
Sa isang panayam sa 24 Oras, ibinahagi ni Michael na ang Huwag Kang Titingin ang kanyang very first horror film.
"Ang dami palang energy na kailangan 'pag sisigaw ka, natatakot ka. Mabigat siya," pag-amin ni Michael.
Samantala, debut naman ni Charlie sa big cinema screen ang kanilang upcoming movie. Ayon sa former PBB housemate, hindi rin daw niya malilimutan ang mga nakakakilabot na experience sa set.
"Honestly, I didn't expect that my first movie would be a horror movie and syempre parang natatakot na po ako sa lahat ng mga demonyo and life. Kaya even just watching the movie, I'm also very scared na po," aniya sa isang exclusive interview sa GMANetwork.com.
"I think we all have the same experience na it was around after midnight, the director called us bigla. There was a scene that Ate Sofia (Pablo) was taking. Tapos biglang may nagpakita (at) nagparamdam na babae na na-caught on camera talaga. Lahat kami parang hindi namin alam kung makakatulog kami ng mahimbing and all the things like that."
Mapapanood na ang chilling horror experience na Huwag Kang Titingin sa mga sinehan ngayong April 15.
Ito ay produksyon ng GMA Pictures at Mentorque Inc., sa direksyon ni Frasco Mortiz at panulat ni Ays De Guzman.
Kasama rin sa star-studded cast sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, Anthony Constantino, at special participation ni Shuvee Etrata.
Samantala, handang makisaya ang Kapuso stars na sina Sofia Pablo, Charlie Fleming, Allen Ansay, at Anthony Constantino sa inaabangang selebrasyon ng 89th Araw ng Dabaw ngayong March 15 (Sunday).
Silipin ang Huwag Kang Titingin storycon sa gallery na ito:
Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus