'Huwag Kang Titingin' movie trailer, umani agad ng papuri at takot online | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Parating na ang sumpang babaliktad sa lahat! 'Huwag Kang Titingin' sa April 15 na! 

'Huwag Kang Titingin' movie trailer, umani agad ng papuri at takot online

By KRISTINE KANG

Ramdam na kaagad ang katakutan online nang ilabas ang official movie trailer ng Huwag Kang Titingin.

Sa produksyon ng GMA Pictures at Mentorque Productions, isang chilling horror experience ang hatid ng pelikula na hango sa tema ng Filipino folklore at impluwensya ng internet.

Sa trailer, makikita ang isang grupo ng magkakaibigan na bibisita sa isang misteryosong bayan. Habang unti-unti nilang inaalam ang kakaibang tradisyon ng lugar, susubukan nila ang isang nakakakilabot na ritwal na magbubukas ng isang mapanganib na sumpa.

"From the producers of KMJS' Gabi ng Lagim The Movie and MallariHuwag Kang Titingin turns a viral internet challenge into a nightmare fueled by Filipino folklore," ani ng GMA Pictures.

Agad na pinusuan ng netizens ang official trailer, sabik na mapanood ang upcoming horror film.

May ilan ding hindi napigilang magulat at matakot sa mga nakakakilabot na eksena nito. 

Kapansin-pansin ang excitement ng mga manonood para sa inaabangang cast na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Charlie Fleming, Michael Sager, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, Anthony Constantino, at special participation ni Shuvee Etrata.

Tingnan ang ilan sa mga reaksyon ng fans, dito: 

 

Photo by: GMA Network YT, gmapictures FB and IG

Abangan ang nakakakilabot na horror experience ng Huwag Kang Titingin sa mga sinehan, ngayong April 15!

Ito'y idinirehe ni Frasco Mortiz at isinulat ni Ays de Guzman.

Samantala, balikan ang masayang pagbisita ng Huwag Kang Titingin cast sa Davao City: