'Huwag Kang Titingin' drops chilling movie poster | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Pinusuan kaagad ng fans ang official poster ng upcoming horror film na 'Huwag Kang Titingin'!

'Huwag Kang Titingin' drops chilling movie poster

By KRISTINE KANG

Malapit nang mapanood sa big screen ang sumpang magbabaliktad sa lahat sa upcoming horror film na Huwag Kang Titingin.

Ramdam na agad ang kilabot online matapos ilabas ang sneak peeks, teasers, at trailer ng pelikula.

Ngayon, lalo pang dumagdag ang katakutan nang inilabas na ng GMA Pictures at Mentorque Productions ang official movie poster.

Kung sa teaser ay korte lamang ng mga cast ang makikita sa loob ng isang mata, sa opisyal na poster naman ay ipinakita ang kanilang buong larawan. Tampok dito ay sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Charlie Fleming, Michael Sager, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, Anthony Constantino, at Shuvee Etrata.

Ang official poster ay inilikha ni Justin Besana. 

"ONE LOOK… AND IT’S OVER  Simple lang ang rule — Huwag Kang Titingin. Narito na ang theatrical poster ng summer horror ng taon. Exclusively in cinemas April 15."

Agad pinusuan at kinagiliwan ito ng fans online. Labis din ang excitement ng lahat na mapanood ang kanilang paboritong cast sa big cinema screen. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by GMA Pictures (@gmapictures)

 

 Abangan ang nakakakilabot na horror experience ng Huwag Kang Titingin sa mga sinehan, ngayong April 15!

Ito'y binuo ng GMA Pictures at Mentorque Productions, ang mga nasa likod ng iconic horror movies na KMJS’ Gabi ng Lagim The Movie at Mallari

Idinirehe ang pelikula ni Frasco Mortiz at isinulat ni Ays de Guzman.

Samantala, balikan ang masayang pagbisita ng Huwag Kang Titingin cast sa Davao City: