'Huwag Kang Titingin', hatid ang kakaibang takutan ngayong summer
March 27 2026
Humanda sa isang chilling horror experience ngayong summer, dahil paparating na sa mga sinehan ang pelikulang Huwag Kang Titingin!
Mula sa GMA Pictures at Mentorque Inc., hatid ng pelikula ang isang hindi malilimutang kuwento na pinagsasama ang Filipino folklore at modernong clout chasing.
Tampok dito ang ilan sa mga paboritong young stars ng showbiz na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Charlie Fleming, Michael Sager, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, Anthony Constantino, at special participation ni Shuvee Etrata.
Sa ginanap na media conference noong Huwebes (March 26), ibinahagi ng cast at production team ang kanilang excitement sa upcoming film.
Kabilang dito ang GMA Network's Senior Vice President For Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group at President of GMA Films na si Atty. Annette Gozon-Valdes.
"I think ito 'yung parang connection of one of the most beautiful cast members ever ng GMA Pictures. Hindi lang maganda, ang fresh (at) vibrant [pa]. So I think one of the pulls of this movie is our stellar cast. Talagang ang ganda ng combination," ani Atty. Annette.
"But more than the cast, I think ang magugustuhan talaga sa pelikulang ito ay ang kuwento...After KMJS' Gabi ng Lagim ng GMA Pictures and box-office hit Mallari ng Mentorque Inc., siyempre hindi kami magbibigay ng horror movie na hindi le-level up doon sa dalawang movies na 'yun. I'm very happy to say na, 'Yes, ang Huwag Kang Titingin ay nasa level na ganoon.'"
Samantala, ibinahagi naman ng screenwriter na si Ays de Guzman na kakaibang horror experience daw ang naghihintay sa mga manonood sa sinehan.
"Once you get into the theaters, kung ano nakita n'yo sa trailer hindi iyon 'yun," tease ni Ays.
"Isang experience for you guys sa theater kasi we value 'yung pagpunta ng audiences sa sinehan e. Hindi siya basta-basta kasi 'di ba. So 'yung mapupuntahan n'yo doon, hindi lang siya papanoorin. It's an experience that you can share with everyone else."
Panoorin ang trailer:
Mapapanood na ang Huwag Kang Titingin sa mga sinehan ngayong April 15!
Samantala, silipin ang fun at spooky highlights ng Huwag Kang Titingin mediacon sa gallery na ito:
Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus