Kira Balinger at Josh Ford, inaming nahirapang gumawa ng horror film | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Abangan ang Team KiSh sa 'Huwag Kang Titingin' ngayong April 15!

Kira Balinger at Josh Ford, inaming nahirapang gumawa ng horror film

By KRISTINE KANG

Malapit nang ipapalabas ang bagong horror film ng GMA Pictures at Mentorque Inc. na Huwag Kang Titingin

Sagot nito ang katakutan at saya ngayong summer kasama ang star-studded cast na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Charlie Fleming, Michael Sager, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, Anthony Constantino, at special participation ni Shuvee Etrata.

Mula pa lang sa inilabas na teasers, pinusuan na kaagad ng fans ang Gen Z horror film.

Sa kanilang pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda, masayang ibinahagi nina Kira Balinger at Josh Ford ang kanilang mga kuwento sa Huwag Kang Titingin

Dapat abangan ang pelikula dahil "unsettling, nakakagulat, (at) something that you can't miss out" raw ito para sa mga barkada at horror movie lovers. Maraming kabataan ang tiyak magugustuhan ito lalo na't Gen Z-coded ang Huwag Kang Titingin

"With our movie right now, we implemented the social media part. May gadgets, 'yung mga banter namin very up to date. Kaya 'yung movie na ito, I say it's very Gen Z kasi makaka-relate 'yung mga kabataan," kuwento ni Josh.

Marami rin dapat abangan sa kanilang karakter, lalo na't ibang bersyon ng kanilang sarili ang ipapakita nila dito. 

"Kaiba para sa akin because he's very quiet. He's like straight hair siya dito," tease ni Josh. 

Para naman kay Kira, minsan daw siya nakaka-relate sa kanyang karakter. 

"There are times when I do feel insecure, sIyempre with pressure on social media," kUwento niya. 

Sa kabila ng kanilang karakter, inamin din ng Team KiSh na napasabak sila sa paggawa ng isang horror film. 

"Nahirapan po ako Tito Boy kasi most of my career, puro drama lang po 'yung ginagawa ko. With horror or any like scary stuff na may mumo, you have to use your imagination when you're working with fear. So doon po ako na-challenge talaga," sabi ni Kira. 

Dagdag naman ni Josh, "I really enjoyed it po talaga. Nagkaroon po kami ng solid na samahan, halos lahat kami sa cast. Ako, I love challenging myself. So this is my first time I did a horror. Iba talaga sa drama, sa romance, sa comedy. Kailangan, you have to dig deep talaga to get what the directors want."

Mapapanood na ang chilling horror film na Huwag Kang Titingin ngayong April 15.

Idinirehe ito ni Frasco Mortiz at isinulat ni Ays de Guzman.

Samantala, balikan ang behind-the-scenes ng Huwag Kang Titingin sa gallery na ito: