'Huwag Kang Titingin,' ipinasilip ang actual footage ng kababalaghan sa set
April 12 2026
Ilang araw na lang at mapapanood na sa mga sinehan ang nakakakilabot na horror film na Huwag Kang Titingin.
Mula sa mga nakakagulat na eksena hanggang sa kuwentong nakakatindig-balahibo, sagot ng pelikula ang isang kakaibang chilling horror experience ngayong summer.
Ngunit hindi lamang ang mismong istorya ang magpapakilabot sa mga manonood. May dala rin itong misteryosong karanasan na umano’y naganap sa mismong set.
Sa kanilang kuwentuhan kasama ang GMA News Interviews, ibinahagi ni Sofia Pablo ang kanilang nakakatakot na karanasan habang ginagawa ang pelikula.
Ayon sa kanya, nangyari ang insidente habang kinukunan ang eksenang kinakaladkad ang kanyang karakter.
Habang nakahiga siya sa sahig at nakatutok ang kamera sa kanya, bigla umanong may lumitaw na dalawang paa sa gilid ng pader.
"So syempre po, walang tatayo doon talaga. Pag-cut, sabi nilla 'Cut! May nakatayo doon sa likod ni Sofia. Sinabi nang walang tatayo,'" kuwento niya.
Dagdag pa niya, maging ang kanyang personal assistant na malapit sa pader ay nagsabing wala silang nakitang tao sa lugar nang mga sandaling iyon.
“Kita mo talaga [sa camera] dalawa talaga silang nakatayo,” ani Sofia.
Mas lalo pang naging nakakakilabot ang pangyayari nang mapanood nila ang actual footage ng eksena. Sa video, makikita ang biglang paglitaw ng mga paa malapit sa aktres, bago ito umatras papunta sa pader at naglaho.
"Natakot po ako siyempre, pero nung time na 'yon kailangang tapusin yung work,” pahayag niya. "At least marami po kami sa taping, so naging joke na lang siya. Pero ako po, deep inside, alam ko talaga walang tao."
Panoorin ang buong panayam ni Sofia Pablo at ang actual clip sa set, dito:
Abangan ang upcoming horror film ng GMA Pictures at Metorque Inc. na Huwag Kang Titingin simula ngayong April 15 sa mga sinehan.
Kabilang din sa cast ng pelikula sina Allen Ansay, Marco Masa, Charlie Fleming, Michael Sager, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, Anthony Constantino, at special participation ni Shuvee Etrata.
Samantala, balikan ang "fun and spooky" highlights ng 'Huwag Kang Titingin' mediacon, dito:
Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus