'Huwag Kang Titingin,' mapapanood na sa mga sinehan nationwide
April 15 2026
Nandito na ang sumpang magbabaliktad sa lahat!
Dahil mapapanood na ang pinakabagong horror film na Huwag Kang Titingin sa mga sinehan nationwide.
Humanda sa isang kakaibang chilling experience mula sa young cast na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Michael Sager, Charlie Fleming, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, Anthony Constantino, at special participation ni Shuvee Etrata.
Sa direksyon ni Frasco Mortiz at panulat ni Ays de Guzman, tampok sa Huwag Kang Titingin ang isang kakaiba at nakakakilabot na kuwento na hango sa Filipino folklore na may modernong twist ng clout chasing.
"Hindi lang siya nakakatakot, sobrang entertaining siya. Mag-e-enjoy kayo panoorin siya," pahayag ni Atty. Annette Gozon-Valdes, GMA Network's Senior Vice President For Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group at GMA Films President.
"Once you get into the theaters, kung ano nakita niyo sa trailer hindi iyon 'yun," ani Ays de Guzman.
"Isang experience for you guys sa theater kasi we value 'yung pagpunta ng audiences sa sinehan e. Hindi siya basta-basta kasi 'di ba? So 'yung mapupuntahan niyo doon, hindi lang siya papanoorin. It's an experience that you can share with everyone else."
Samantala, mapapanood na ang Huwag Kang Titingin sa mahigit 140 na sinehan nationwide!
Maaaring bumili ng movie tickets sa official websites at booths ng SM Cinemas, Ayala Cinemas, Robinson's Movieworld, Megaworld Cinemas, Powerplant Cinema, at Fisher Mall.
Huwag palampasin ang chilling horror film na Huwag Kang Titingin! Ito'y binuo ng GMA Pictures at Mentorque Productions, ang mga nasa likod ng iconic horror movies na KMJS' Gabi ng Lagim The Movie at Mallari.
Samantala, silipin ang star-studded black carpet ng Huwag Kang Titingin premiere night sa gallery na ito:
Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus