Marco Masa, masayang nanood ng 'Huwag Kang Titingin' kasama ang fans | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Nag-enjoy ang fans manood ng 'Huwag Kang Titingin' kasama si Marco Masa!

Marco Masa, masayang nanood ng 'Huwag Kang Titingin' kasama ang fans

By KRISTINE KANG

Tuloy-tuloy ang suporta at kasiyahan ng netizens sa kakaibang chilling horror film na Huwag Kang Titingin.

Mula pa lamang sa unang araw nito sa mga sinehan, kapansin-pansin na ang excitement ng fans na mapanood ang kanilang paboritong cast sa big screen.

Kabilang sa mga nagpakita ng all-out support ang mga fandom ng Kapuso star na si Marco Masa.

Nitong Linggo (April 19), nagsama-sama ang Marcolets Official, Team Marco Official, at Solid Marco Masa Official para sa isang masayang block screening sa Fisher Box Office VIP Cinema.

Mas lalo pang nadagdagan ang kilig at saya ng fans nang makasama nila mismo si Marco sa panonood ng pelikula. Game rin ang Kapuso actor na personal na mamigay ng tickets sa kanyang loyal supporters.

"Marco Masa felt the love as fans showed up and lined up for the block screening of ‘Huwag Kang Titingin.’ " ani ng Sparkle GMA Artist Center sa kanilang post.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by GMA Pictures (@gmapictures)

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by GMA Pictures (@gmapictures)

 

Huwag palampasin ang kakaibang horror experience ng Huwag Kang Titingin, now showing in cinemas nationwide!

Sa produksyon ng GMA Pictures at Mentorque Inc., kabilang din sa cast sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Michael Sager, Charlie Fleming, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, at Anthony Constantino, at special participation Shuvee Etrata.

Samantala, silipin ang iba pang Huwag Kang Titingin blockscreening ng fans sa gallery na ito: