Jun Lana sa award-winning film na 'Muro-ami': 'It's so visual'
June 02 2026
Simula sa Miyerkules (June 3), mapapanood na sa mga sinehan ang remastered version ng 1999 award-winning film na Muro-ami.
Pinagbidahan ito ni Cesar Montano kasama sina Jhong Hilario, Amy Austria, at Pen Medina, at idinirehe ng yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts na si Marilou Diaz-Abaya.
Sa interview ng GMANetwork.com sa screenplay writer ng Muro-ami na si Jun Lana, ibinahagi niya ang kuwento at ang mapapanood sa pelikula.
"It's about a man who wanted to redeem himself, but sometimes greed gets in the way of our need to redeem ourselves, so 'yun 'yung pinaka importanteng premise ng Muro-ami," sabi niya. "It's a meditation, and more than anything, it's so visual. The one thing that people have to watch out for is the underwater scenes na Direk Marilou shot. Wala nang gumagawa ng ganitong pelikula."
Pagbabahagi pa ni Jun, masaya siya na na-restore at muling mapapanood sa sinehan ang Muro-ami, na obra maestra ng yumaong National Artist na si Direk Marilou.
"Tuwang-tuwa ako na ipapalabas ulit itong obra maestra ni Direk Marilou. Hindi lang siya basta inilabas sa streaming kundi mapapanood ninyo sa big screen. Napakaimportante na makita ulit ito sa big screen ng audience."
Binalikan din ng screenplay writer ang pagbuo sa pelikula. Kuwento niya, "Well, si Direk Marilou loves nature, and then, she's a diver. During the time that we were doing Muro-ami, even before we did Muro-ami, lagi niya akong dinadala sa Batangas, doon sa resort nila, so malapit sa kanya 'yung tema, 'yung kuwento.
"These are stories na narinig n'ya sa mga mangingisda na lagi niyang nakakasama. And, in fact, I remember that one of the things I did was to talk to those fisherman friends of hers. Isa s'ya sa resource namin ng kuwento ng Muro-ami."
Ayon kay Jun Lana, umaasa siya na hindi lang aral ang maiuuwi ng manonood mula sa Muro-ami, kundi maging ang pagmamahal para sa Philippine cinema.
"I think, when you watch a film like Muro-ami and you're a Filipino, there's no way you cannot be moved. There's no way you can't say, 'Ang ganda ng pelikulang Pilipino.'
"Sa akin 'yon ang mas importante kaya napakahalaga na pinapalabas muli ang mga pelikula natin, nare-restore sila para makita ng audiences kung gaano kaimportante ang mga classics natin at kung ano ang kayang gawin natin bilang mga Filipino storytellers."
Samantala, panoorin ang trailer para sa remastered version ng Muro-ami rito:
RELATED: Cesar Montano, Jhong Hilario, and other stars grace Muro-ami Special Screening
Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus