Caprice Cayetano, sasabak sa unang MMFF entry sa pelikulang 'Amir' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Masayang pinaghahandaan ngayon ni Caprice Cayetano ang ilang mahahalagang milestone sa kaniyang personal na buhay at career.

Caprice Cayetano, sasabak sa unang MMFF entry sa pelikulang 'Amir'

By MARK JOSEPH CARREON

Labis ang kasiyahan at pananabik ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso Big Winner na si Caprice Cayetano para sa sunod-sunod na magagandang kaganapan sa kaniyang personal na buhay at karera. 

Sa isang eksklusibong panayam sa “Chika Minute” report ng 24 Oras, ibinahagi ng young Kapuso actress ang ilan sa kaniyang mga pinaghahandaang malalaking proyekto at event sa kaniyang buhay. 

Isa sa mga pinakainaabangan ni Caprice ay ang kaniyang pagkabibilang sa Amir, ang opisyal na lahok ng GMA Pictures para sa 2026 Metro Manila Film Festival.

Ayon pa sa young Kapuso actress, ito ang kaniyang kauna-unahang pelikula sa MMFF matapos ang kaniyang tagumpay sa PBB Celebrity Collab 2.0. 

“Masayang-masaya po ako na makatrabaho ko po ulit si Sir Dennis and si Argus din po and to be with Direk Zig Dulay po,” pahayag ni Caprice.

Nagbigay rin ng patikim ang direktor ng pelikula na si Zig Dulay sa karakter na gagampanan ni Caprice sa Amir.

Sa kaniyang Instagram story, ibinahagi ni Direk Zig ang larawan nila ng aktres na may caption na: “Higit sa husay at talento, may mabuting puso — Caprice Cayetano as Soraya.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

 

Makakasama ni Caprice sa proyektong ito ang iba pang kilalang stars tulad nina Dennis Trillo, Argus Aspiras, Glaiza de Castro, Will Ashley, Caprice Cayetano, Heath Jornales, at marami pang iba.

Bukod sa kaniyang pelikula, busy rin si Caprice sa paghahanda para sa kaniyang nalalapit na ika-18 kaarawan ngayong darating na Nobyembre. 

Inilabas na rin niya ang ilang detalye tungkol sa kaniyang naganap na pre-debut shoot, kung saan siya mismo ang nakaisip ng tema at konsepto.

“Dito po sa inflatable island kami rin po ang nag-isip nito, ‘yung theme po para sa debut ko na colorful po parang Zara Larsson po ‘yung vibies dito,” ani ng Kapuso actress.

Related Gallery: Caprice Cayetano radiates charm in colorful pre-debut photo shoot

 

 

 


 

Hindi rin nagpapaawat si Caprice dahil patuloy rin ang kaniyang paghahanda para sa upcoming Kapuso series na A Million Dreams. Dito ay makakasama niya sina Camille Prats, Angel Guardian, John Clifford, Diana Zubiri, Gabby Eigenmann, at iba pang kilalang artista.

Ibinahagi rin ni Caprice ang kaniyang paghanga sa propesyonalismo at work ethic ng kaniyang co-star na si Camille Prats.

“Lagi po talaga siyang may [dalang] tablet, tapos dino-drawing niya po doon tapos nira-write niya po doon para mas makabisado niya po siguro ‘yung lines,” kuwento niya.

Dagdag pa ni Caprice, “Bata pa rin po siya nag-start noong nag-showbiz so may nase-share po siya na mga advice kung ano pong pinagdaanan niya.”

 

 

 

 

Huwag palampasin ang pagsisimula ng A Million Dreams, malapit na sa GMA! 

Related Gallery: Meet the star-studded cast of 'A Million Dreams'