WATCH: Singer-songwriter Ethan Loukas explains shuffle pop music | GMANetwork.com - Radio - Articles

Newbie singer Ethan Loukas does cover of Sitti’s hit single “Para Sa Akin.”

WATCH: Singer-songwriter Ethan Loukas explains shuffle pop music

By AEDRIANNE ACAR

Nakasama ng Barangay LS Squad leader na si Mama Belle ang rising singer-songwriter na si Ethan Loukas sa programa niyang Sikat sa Barangay nitong Miyerkules, November 21.

Dito, ikinuwento ni Ethan kay Mama Belle na sa murang edad ay hilig na niya ang pagkanta.

WATCH: Vince Vandorpe, ibinahagi ang mga dapat abangan sa teleserye na 'Cain at Abel'

Saad niya, “Matagal [na akong] kumakanta. Actually, I started singing when I was five or six years old.

“Ngayong March [2018] na-release ‘yung first single ko sa Spotify under Warner Music Philippines.”

Mas kilala ang genre ng music ni Ethan bilang “shuffle pop.”

Ano kaya ang pagkakaiba nito sa ibang klaseng music tulad ng RnB at Pop?

Paliwanag ng OPM singer, “Iba ‘yung beat at saka tempo niya sa pagtugtog ng gitara.

“Katunog siya ni Jason Mraz, parang ganun.”

Muling panoorin ang buong interview ni Ethan Loukas sa Sikat sa Barangay at ang sample ng kaniyang version ng hit single ni Sitti na “Para Sa Akin.”