EXCLUSIVE: Papa Marky and Janna Chuchu dedicate their awards to the listeners of Barangay LS | GMANetwork.com - Radio - Articles

Todo ang saya ng Barangay LS DJs na sina Papa Marky at Janna Chuchu sa awards na natanggap nila ngayong 2018.

EXCLUSIVE: Papa Marky and Janna Chuchu dedicate their awards to the listeners of Barangay LS

By AEDRIANNE ACAR

Todo ang saya ng Barangay LS DJs na sina Papa Marky at Janna Chuchu sa awards na natanggap nila ngayong 2018.

#ProudKapuso: Papa Marky at Janna Chuchu, nag-uwi ng parangal

Itinanghal na Pop Radio Jock (DJ) of the Year sa Philippine Pop or PPOP Awards si Papa Marky na isa sa mga host ng Talk To Papa.

Sa panayam ni Papa Marky sa GMANetwork.com ngayong Lunes (December 10) sa Studio 4 ng Kapuso Network, ibinahagi niya na isang sorpresa sa kaniya ang nakuha niyang award.

Wika niya, “Very surprise, very happy na matatapos ‘yung taon na sobrang effort talaga sa work, tapos ito nag pay-off na, may nakaka-appreciate what you are doing and then thankful tayo sa PPOP Awards for young artist and binigyan tayo ng ganitong pagkilala.”

Ganun din ang naramdaman ni Janna Chuchu, matapos makakuha ng isang international award. Nasungkit ng DJ ang Outstanding Asian DJ/Anchor sa 2018 World Class Excellence Japan Awards.

Itinuturing itong isang malaking achievement ng radio host sa kaniyang career.

Ani Janna, “Iba ‘yung pakiramdam, kasi nga sabi natin everytime na tatanggap ka ng award parang ‘yun ang achievement ng bawat DJs and anchors.”

Proud naman si Papa Marky na big year ito para sa kanilang lahat na bumubuo Barangay LS, matapos humakot ng awards ngayong taon.

“This year parang hakot awards ang Barangay LS 97.1 and very thankful kami. Lahat ng pagkilala na 'to ay binibigay namin sa mga listener at supporter na from day one up to this very moment ay nandito at nakasuporta sa amin.”