Sikat sa Barangay: Kylie Padilla, labis ang excitement na muling nakatambal si Ruru Madrid | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa one-on-one interview ni Mama Belle kay Kylie Padilla, nagkuwento ito tungkol sa kanyang role sa Kapuso primetime series na 'TODA One I Love.'

Sikat sa Barangay: Kylie Padilla, labis ang excitement na muling nakatambal si Ruru Madrid

By AEDRIANNE ACAR

Tinutukan ng mga Kabarangay ang guesting ng mga TODA One I Love stars na sina David Licauco at Kylie Padilla sa Sikat sa Barangay last Monday, February 4.

 

Kylie Padilla
Kylie Padilla

 

Sikat sa Barangay: David Licauco talks about his new show 'Toda One I Love'

Dito ibinahagi nila ang naging experience nila sa taping ng political romcom series na inaabangan ng buong bayan.

Sa one-on-one interview ni Mama Belle kay Kylie, nagkuwento siya sa role niya bilang Gelay sa Kapuso primetime series.

Ani Kylie, “May mga mangyayari na hindi naman siya mapipilitan pero kinakailangan na mag-drive siya ng tricycle.”

Lingid sa kaalaman ng marami nakapag-training na gumamit ng motor si Kylie noong 21 years old pa lamang siya.

Ayon sa Kapuso actress, hindi na daw naging mahirap para sa kaniya ang magpatakbo ng tricycle tuwing may shoot sila sa TODA One I Love.  “Mas mabigat lang pero mas gusto ko ‘yung mayrun akong side car, kasi feeling ko hindi ako maa-out of balance agad.”

Ano naman kaya ang naramdaman niya sa balik-tambalan nila ni Ruru Madrid?

“Okay naman kasi ‘yung last time namin nagsama kami sa Encantadia ‘yun, biglang naputol ang aming pagsasama dahil dumating ang blessing ko si Alas.

“So ngayon iba na ngayon, nung noon drama ‘yun eh medyo serious na agad parang mag-asawa na kami tapos may anak na kami. Dito we are at our age tapos comedy pa.”

Mas kilalanin pa ang mga roles nila David at Kylie sa TODA One I Love sa Sikat sa Barangay sa Facebook Live video below.