Sikat sa Barangay: Ano ang dream role ng 'That's My Bae' finalist na si Joel Palencia? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mas lalong nakilala ng mga Kabarangay ang dalawang bituin na kasama sa highly-anticipated primetime soap na 'TODA One I Love' na sina Joel Palencia at Divine Aucina.

Sikat sa Barangay: Ano ang dream role ng 'That's My Bae' finalist na si Joel Palencia?

By AEDRIANNE ACAR

Mas lalong nakilala ng mga Kabarangay ang dalawang bituin na kasama sa highly-anticipated primetime soap na TODA One I Love na sina Joel Palencia at Divine Aucina.

 

Joel Palencia
Joel Palencia

 

Sikat sa Barangay: Kylie Padilla, labis ang excitement na muling nakatambal si Ruru Madrid

Ang kuwento sa likod ng TODA One I Love

Naka-on-on-one sila ni Mama Belle sa Sikat sa Barangay kahapon, February 7, kung saan nagkuwento sila ng mga roles nila sa TODA One I Love.

Hindi ito ang unang drama project ni Joel na napanood sa morning soap na Trops kung saan nakasama niya ang mga That's My Bae finalists ng Eat Bulaga. 

Ano kaya ang role ng guwapong aktor sa primetime series na pinagbibidahan nila Kylie Padilla at Ruru Madrid?

Ani Joel, “Kasama po ako sa Love TODA ayun po ‘yung pinaka-station ng mga tricycle driver sa TODA One I Love.

“So isa po ako member na tinatawag na T4, so apat po kami doon. Pare-parehas po kasing letter T ‘yung first name namin- Tonyo, Troy. So tinawag na lang po kami na T4 lagi po kaming naka-support kay Emong.”

Best friend naman ni Gelay (Kylie Padilla) ang karakter na ginagampanan ng Kapuso comedienne na si Divine Aucina.

Bukod sa TODA One I Love, napapanood din si Divine sa show ni Eugene Domingo na Dear Uge.

Wika niya, “Ako naman ‘yung kaibigan ni Kylie [Padilla]. Oo BFF, pero itong si Diyosa ay business minded din, siya ay may tindahan sa tabi ng terminal at alam niya ang lahat ng tsismis at alam niya ang mga secrets ng buong Barangay Labuyo.”

Ibinahagi naman ni Joel Palencia sa interview niya kay Mama Belle na mas gusto niya mahasa sa drama kaysa sa comedy.

Bakit kaya mas madali para sa Kapuso hunk ang magpatawa?

Paliwanag niya, “Dream role ko gusto ko siyempre ma-train talaga sa mabigat na drama, kasi ‘yung pagpapatawa normal na sa pagkatao ko ‘yun especially sa mga friends ko, sa mga nakakakilala sa akin.

“So nadadala ko siya sa pagwo-work ko everyday sa mga taong nanonood sa akin. So, mas madali sa akin magpatawa kahit hindi ako komedyante.”

Balikan ang exclusive interview ni Mama Belle kay Joel Palencia at Divine Aucina sa Sikat sa Barangay sa Facebook live video below.