Talk To Papa: Max Collins, umamin na konti ang bonding moments kasama ang asawa na si Pancho Magno | GMANetwork.com - Radio - Articles

Bumisita sa 'Talk to Papa' kahapon, March 11, ang Kapuso actress na si Max Collins at nagkuwento ito tungkol sa kanyang latest project, ang 'Bihag' at ang kaniyang buhay may asawa.

Talk To Papa: Max Collins, umamin na konti ang bonding moments kasama ang asawa na si Pancho Magno

By AEDRIANNE ACAR

Focused muna sa kani-kanilang career ang Kapuso showbiz couple na sina Max Collins at Pancho Magno.

 

Max Collins
Max Collins

 

Sikat sa Barangay: 'To The Top' finalist Cholo dela Cruz, nakaka-relate sa single niya na '(are we) just friends'

Ito ang inamin ni Max sa sit-down interview niya kina Papa Obet at Papa Marky ng 'Talk To Papa' kahapon, March 11.

Ayon sa versatile Kapuso actress, sunod-sunod ang kanilang trabaho kaya minsan ay wala na sila masyadong bonding moments.

Ani Max, “Wala kaming time kasi tuloy-tuloy ang taping namin ng Bihag, at saka ‘yung asawa ko magsisimula na mag-taping. Busy kaming dalawa,”

Kaya sinusulit daw talaga nila ni Pancho ang mga pagkakataon na wala silang trabaho. Dagdag ni Max, mas pinipili nilang tumambay sa bahay para makasama ang isa’t-isa.

Saad niya, “Mahirap! Kailangan niyo talagang gawan ng time, so 'pag wala kaming work hindi talaga kami lumalabas, nagi-stay lang kami sa bahay.

“Sabay kumakain, pero ‘yun lang ‘yung time namin para sa isa’t-isa. Mahirap talaga but magagawan ng paraan,”

Alamin kung ano ang pinakabagong Kapuso soap na pagbibidahan soon ni Max Collins sa video na ito: