Megan Young at Benjamin Alves, gaganap na mag-asawa sa Magpakailanman | GMANetwork.com - Radio - Articles

Megan Young at Benjamin Alves, gaganap na mag-asawa na maususbukan ang tatag ng kanilang pananampalataya sa ‘Magpakailanman.’

Megan Young at Benjamin Alves, gaganap na mag-asawa sa Magpakailanman

By AEDRIANNE ACAR

Excited ang Kapuso stars na sina Megan Young at Benjamin Alves sa episode nila sa high-rating weekly drama anthology na Magpakailanman this Saturday, April 6.

 

 

Sa sit-down interview ng dalawa sa Kapuso radio program na Talk To Papa noong April 2, nagkuwento sila tungkol sa Magpakailanman episode na “Sumpa ng Kalendaryo,” kung saan gaganap sila bilang mag-asawang sina Sonya at Ronnie na susubukan ng mga masamang espiritu.

Saad ni Megan Young, “Very religious na couple [kami rito] na mapagmahal sa Diyos. ‘Tapos bigla nilang kinukuwestiyon ano ba talaga itong nangyayari sa amin?”

Ayon kay Benjamin Alves, perfect para sa Holy Week ang episode nila sa Magpakailanman.

Wika niya, “Napakaganda po kasi ng tema ngayon parang ang lapit na po natin sa Holy Week, so ito nga ‘yung test of faith ng mag-asawa na ginampanan namin sa Magpakailanman.”

Bukod sa Magpakailanman, inusisa rin nina Papa Obet at Papa Marky ang summer plans nina Benjamin at Megan.

Saan kaya ang mga lakad ng dalawa this summer season? Panoorin dito:


Jak Roberto on playing Dante Gulapa: "Matagal ko na gusto gawin..."