Sikat sa Barangay: Paano ipinapakita ni Martin del Rosario ang pagmamahal niya sa kanyang ina? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Tampok sa 'Magpakailanman' ngayong Sabado, May 25, ang kuwento ni Rotski -- na gagampanan ni Martin del Rosario -- na nag-viral nang bigyan niya ang kanyang inang si Beng ng one million pesos.

Sikat sa Barangay: Paano ipinapakita ni Martin del Rosario ang pagmamahal niya sa kanyang ina?

By AEDRIANNE ACAR

May pahabol sa katatapos na Mother’s Day ang number one drama anthology sa TV na Magpakailanman dahil tampok sa episode this weekend ang kuwento ni Rotski na nag-viral nang bigyan niya ang kanyang inang si Beng ng one million pesos.

 

Martin del Rosario
Martin del Rosario

 

Sikat sa Barangay: Jake Zyrus, aminadong kinakabahan pa rin tuwing magpe-perform

 

WATCH: Michael V to take moviegoers to a roller coaster ride of emotions in 'Family History'

Magpakailanman presents "Isang Milyong Pasasalamat Kay Ina"

Gaganap sa role na Rotski ang versatile actor na si Martin del Rosario, samantala ang Comedy Queen na si Aiai Delas Alas ang magbibigay buhay sa role ni Beng.

Sa exclusive interview ni Mama Belle sa Sikat sa Barangay, tinanong niya si Martin kung katulad ba siya ni Rotski kung paano niya pinapakita ang pagmamahal sa kaniyang nanay.

Paliwanag ni Martin, “Oo naman, kung mayroon man akong one million. Pero kasi ang pagmamahal naman hindi lang sa pera lang. So for me ‘yung best way para mapasaya ‘yung nanay ko kahit small appreciation lang.

“Basta mapasaya mo ‘yung nanay mo di magandang-maganda ‘yun.”

Muling panoorin ang full interview ni Martin del Rosario sa Sikat sa Barangay.