WATCH: Barbie Forteza at Julie Anne San Jose, respeto at pagmamahal ang isinusukli sa kanilang mga kasambahay | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa afternoon radio program na Bidang-bidang sa Dobol B ngayong Huwebes ng hapon, ikinuwento nina Barbie Forteza at Julie Anne San Jose kung paano nila pinapahalagahan ang mga taong todo ang pag-aalaga sa kanila.

WATCH: Barbie Forteza at Julie Anne San Jose, respeto at pagmamahal ang isinusukli sa kanilang mga kasambahay

By AEDRIANNE ACAR

Pamilya na ang turing ng Kapuso stars na sina Barbie Forteza at Julie Anne San Jose sa kanilang mga kasambahay.

 

Barbie Forteza at Julie Anne San Jose
Barbie Forteza at Julie Anne San Jose

 

Sa chikahan ng dalawa sa afternoon radio program na Bidang-bidang sa Dobol B ngayong Huwebes ng hapon, ikinuwento nila kung paano nila pinapahalagahan ang mga taong todo ang pag-aalaga sa kanila.

Paliwanag ni Julie Anne, “Hindi naman siya tinatrato na parang like others parang parte na rin siya ng family namin.

“Sobrang napakaimportante nun na kahit papaano mayrun kayong emotional attachment dun sa tao.”

Naniniwala din ang Kapuso drama actress na si Barbie Forteza na mas doble ang pagod ng kanilang kasambahay sa dami ng inaasikaso nila sa araw-araw.

Wika niya, “Bukod sa bahay kasama namin sila sa taping, sa trabaho namin. So kung ano pagod namin doble ang pagod nila. Kasi siyempre inaasikaso kami, kung tulog kami, sila hindi.

“Grabe din naman yung respeto namin sa kasama namin sa bahay.”

Magpakailanman presents "Ang Pagmulat ng Binulag na Kasambahay: The Bonita Baran Story"

EXCLUSIVE: 'Bidang-bida sa Dobol B,' hatid ang umaatikabong showbiz news at blind items tuwing hapon!

Kaya dapat tutukan ng Kapuso viewers ang heart wrenching episode ng weekly-drama anthology na Magpakailanman sa darating na Sabado, June 29, dahil bibigyan-buhay ni Barbie ang kuwento ng kasamabahay na si Bonita Baran na inabuso ng kanyang amo hanggang siya ay mabulag.

Sa guesting ng dalaga sa Bidang-bidang sa Dobol B, ibinahagi niya ang isang bagay na sobra siyang nakakarelate patungkol sa role na gagampanan niya sa Magpakailanman.

Saad ni Barbie, “Siguro po nakaka-relate ako dun sa part na bumangon tapos ipinaglaban niya 'yung sarili niya, kasi after ng lahat ng struggles sa bahay na 'yun na walang narinig 'yung amo niya sa kanya. Finally, nag-speak up siya, humingi siya ng tulong sa lahat basta maipaglaban niya 'yung sarili niya.”

Dapat din daw abangan ng mga Kapuso ang eksena na ginawa niya kung saan humarap si Bonita Baran sa isang courtroom.

“Feeling ko ‘yung part na nasa courtroom na kami. Kasi 'yun talaga mismo 'yung nangyari, binalita kasi 'yun talaga. Kung paano siya nagsalita sa sarili niya, kung paano niya inangat 'yung mga kasamabahay,’ ani Barbie.