WATCH: Thea Tolentino, naniniwalang effective siya sa pagiging kontrabida | GMANetwork.com - Radio - Articles

Aminado ang 'Madrasta' star na si Thea Tolentino na effective siya sa pagiging kontrabida.

WATCH: Thea Tolentino, naniniwalang effective siya sa pagiging kontrabida

By AEDRIANNE ACAR

Gaganap for the eighth time bilang kontrabida ang versatile actress na si Thea Tolentino bilang si Katharine Viduya-Ledesma sa newest GMA-7 afternoon soap na Madrasta.

 

Thea Tolentino
Thea Tolentino

 

LOOK: Arra San Agustin at Thea Tolentino, pinuri ng netizens sa inaabangang 'Madrasta'

WATCH: Ibang Kenneth Medrano ang mapapanood sa 'One of the Baes'

Kaya naman hindi nakapagtataka na confident ang magandang aktres na nahanap niya ang kanyang comfort zone sa pagganap ng mga ganitong klaseng karakter.

Sa panayam ni Thea sa Sikat radio program ni Papa Obet, sinabi niya na sa tingin niya ay mas effective siya bilang isang kontrabida.

Paliwanag niya, “Sa tingin ko naman oo! Kasi hindi naman ako pagkakatiwalaan din kung hindi ako effective na kontrabida and mukhang dito talaga ako nag-e-enjoy.

“Parang hindi ako natutuwa na inaapi ako (laughs).”

Kakaiba ding mukha ng madrasta ang makikita ng televiewers sa pagganap ng Bubble Gang star na si Arra San Agustin.

Ani Thea, “Usually pag nadinig natin ‘yung Madrasta parang kontrabida sa buhay, pero dito sa show namin ang Madrasta, hindi porke’t hindi siya ‘yung tunay na ina hindi na siya makapagbibigay ng totoong pagmamahal si Arra [San Agustin].”

Kamusta naman ang naging working relationship ni Thea Tolentino sa mga co-stars niya sa Madrasta?

Silipin ang naging sagot niya sa one-on-one interview sa Sikat sa video below!