SIKAT: Noel Cabangon, pahirapan daw ang pag-release ng 'Habangbuhay' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Noel Cabangon on releasing his single ‘Habangbuhay’: “Hinabol na lang namin ‘yung mixing nito during COVID, so medyo pahirapan.”

SIKAT: Noel Cabangon, pahirapan daw ang pag-release ng 'Habangbuhay'

By AEDRIANNE ACAR

Sinubok din ng COVID-19 pandemic ng multi-platinum singer-songwriter na si Noel Cabangon dahil naapektuhan ang pag-release nito ng kanyang bagong single.

Sa one-on-one interview ni Papa Obet sa radio program na Sikat with the OPM icon, ikinuwento ni Noel ang mga nangyari bago nila na nai-release ang kantang ‘Habangbuhay’ under Universal Records na na-record pa niya noong Pebrero.

SIKAT: JBK members, tuloy ang paggawa ng kanta sa gitna ng pandemya

Ayon sa respetadong singer, “Ito ‘yung pangatlong single na na-release ko ng first half of the year. Dalawa ‘yung during lockdown then ito nga ‘yung latest ‘yung ‘Habangbuhay’ under Universal Records.”

“But this song was recorded last February and then of course hinabol na lang namin ‘yung mixing nito during COVID, so medyo pahirapan. But we were able to pull it through and we were able to release it last month.”

Naka-collaborate ni Noel sa ‘Habangbuhay’ ang duo nina Leanne & Narra at sinabi ng OPM legend na “refreshing” makasama ang dalawa.

Tungkol saan ba ang bagong single niya na ito?

Paliwanag niya, “It’s really very refreshing na makasama ko sila [Leanne & Narra], kasi siyempre parang maganda rin kasi ‘yung ibig sabihin nung kanta. It’s about friendship, it’s about relationship and commitment sa relationship.”

Dagdag ni Noel, “And ‘yung commitment na sticking together, siyempre naging relevant na siya ngayong naka-lockdown tayo because of the pandemic and we need each other.

“And our family, in particular, loved ones or our friends to keep our sanity and to hold one another siyempre. Iba ‘yung may kadamay ka,”

Apektado man ng pandemya, naging productive si Noel habang naka-lockdown, dahil madami raw siyang nasulat na kanta.

“Well sa awa ng Diyos medyo marami-rami ‘yung nagawa kong kanta during the lockdown and of course siyempre ‘yung iba hindi pa mare-release inaayos pa ng mabuti.”

Alamin pa ang ilang trivia sa bagong single ng award-winning singer na si Noel Cabangon sa Sikat by checking out the video below.

SIKAT: Bianca Umali, paano ginugol ang ECQ?

SIKAT: Jeric Gonzales, nag-focus sa music habang naka-quarantine