Psalms David, ibinulgar ang 'The Clash' judge na todo ang suporta sa kanya ngayong pandemic | GMANetwork.com - Radio - Articles

Malaki ang pasasalamat ni Psalms David sa isang award-winning OPM singer and composer sa naitulong nito sa kanya ngayong may pandemic.

Psalms David, ibinulgar ang 'The Clash' judge na todo ang suporta sa kanya ngayong pandemic

By AEDRIANNE ACAR

Walang patid ang pasasalamat ng Kapuso singer na si Psalms David sa The Clash judge na si Christian Bautista sa ibinigay nitong suporta sa kanya ngayong hirap ang tulad niyang performer sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Si Christian ang nag-compose ng bagong single ni Psalms na ‘I Need To Know.’ Kuwento niya kay Mama Belle sa Sikat interview, napaka-meaningful na makatrabaho niya ang magaling na OPM singer for this new song.

Aniya, “Actually, it was comfortable, chill lang, meaningful, and special. Kasi, before pa lang naming napag-usapan ‘yung recording, e, nag-uusap naman po talaga kami ni Sir Christian.”

Ramdam din daw niya ang care ng Asia's Romantic Balladeer sa mga Clasher lalo na sa panahong ito.

Paliwanag ni Psalms, “He always tries his best para ipakita sa aming mga Clasher ‘yung care niya sa amin, as much as possible, ngayong pandemic to help us din, to collaborate and to stay relevant on social media.”

 

Source: impsalmsdavid  (IG)

Ibinagi din ng singing heartthrob kay Mama Belle ang meaning ng kanta niya na ‘I Need To Know.’

Saad niya, “It is written by Mr. Christian Bautista and under GMA Music, it’s about the beginning of love.

“But a different kind. Parang sabi ni Sir Christian sa akin, gusto daw niya i-explore ‘yung different side of love.

“So, the point of view of the song is that kunwari, ako ‘yung manliligaw mo, tapos marami pang ibang nanliligaw sa ‘yo.

“So tatanungin ko, ‘Sino ba talaga pipiliin mo? Ako o siya, kasi kailangan ko nang malaman’.”

Heto ang ibang OPM singers na nakilala sa Kapuso singing competitions:

 

Garrett Bolden's new single 'Our Love' was inspired by his late father

Kumusta na si Jessica Villarubin matapos ang kanyang beauty transformation kay Vicki Belo?