Tuesday Vargas, may pa-trivia kung saan inspired ang vodcast show nila na 'Your Honor' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sumabak si Tuesday Vargas sa fun cross examination ni Mama Belle sa ‘Forever Request.'

Tuesday Vargas, may pa-trivia kung saan inspired ang vodcast show nila na 'Your Honor'

Ipinatawag bilang resource person si Tuesday Vargas ni Mama Belle para bigyan linaw itong bagong vodcast nila ni Buboy Villar sa YouLOL. 

Nakipag-chikahan ang versatile comedienne kay DJ Belle nang bumisita ito sa Forever Request show ng Barangay LS nitong Miyerkules, December 4, para i-promote ang new online program na Your Honor, sa ilalim ng YouLOL Originals brand.

Kuwento ni Tuesday na hindi lang matututo ang ating mga Ka-Barangay kapag pinanood nila sa YouTube o i-stream sa mga music platform ang Your Honor.

Aniya, “May bago po kaming show, kami po ni Buboy Villar ay part ng YouLOL family na at ang show po na ito, ang title po niya ay Your Honor in aid of basta [laughs].

“Ang aim po nito ay pag-usapan ‘yung mga common na mga problema, concerns ng mga Filipino in an entertaining manner at sa dulo po ay bubuo kami ng parang batas na suhestiyon namin regarding dun sa pag-uusap.”

Dagdag pa ni aktres, inspired ang kanilang vodcast ng mga nangyayaring Senate investigation at hearings, na bagong TV habit ng mga Pilipino.

“`Yung mga napapanood nating mga hearing, kasi yan na po ang bagong teleserye ng mga Filipino.”

“Pansin po namin kapag walang ginagawa, kunwari po nagluluto, parang mga Ka-Barangay din lang natin na laging nakikinig sa atin. Ginagawang background ‘yung Senate hearing, `tapos sabi siguro nung mga producer why not make a show out of it na makakatulong na sa kaisipan ng mga tao, pero matutuwa rin sila.”

Mapapanood ang grand premiere ng Your Honor sa YouLOL YouTube channel mamayang 7:15 pm, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.

 

Related gallery: Tuesday Vargas and Buboy Villar show amazing chemistry during the 'Your Honor' pictorial