Super Radyo DZBB at Toni Aquino, pinarangalan sa ALTA Media Icon Awards
October 22 2025
Muling kinilala ang award-winning AM station ng bansa na Super Radyo DZBB ng isang respetadong unibersidad sa Pilipinas.
Sa katatapos pa lamang na ALTA Media Icon Awards 2025 ng University of Perpetual Help System DALTA nakuha ng DZBB ang award para sa Best AM Radio Station.
Nasungkit naman ng Kapuso radio anchor na si Toni Aquino ang parangal bilang Best AM Radio Female Personality para sa kaniyang radio program na ‘Sumasapuso.’
Panalo rin ang Kabarangay disk jockey na si Papa Dudut nang makamit ng kaniyang viral radio show na Barangay Love Stories ang pagkilala ng ALTA Media Icon Awards sa kategoryang Best Podcast of the Year.’
Para sa napapanahong balita tumutok araw-araw sa Super Radyo DZBB at para sa latest updates tungkol sa mga sikat na kanta sa Pilipinas o di kaya sa patok na content sa FM, palaging makinig sa Barangay LS Forever.
Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus