BOTO NA: Sino sa cute pairings na ito ang mukhang may FOREVER?
September 14 2026
Talaga namang ramdam ang love sa Sabado ng hapon dahil sa grand premiere on TV ng radio drama anthology na Barangay Love Stories hosted by Papa Dudut!
Sulit ang mga nag-abang sa pilot episode ng Barangay Love Stories nitong September 12 kung saan bumida ang Sparkle talents na sina Shuvee Etrata at Anthony Constantino.
Sa inilabas na datos ng NUTAM People Ratings, nakakuha ang show ni Papa Dudut ng 3.9 percent ratings na mas mataas sa katapat nitong programa.
READ: Papa Dudut, excited na sa bagong yugto ng 'Barangay Love Stories'
Kahit online ay mainit na pinag-uusapan din ang three perfect pairings na ibibida ng Barangay Love Stories sa kanilang episode.
Sino kaya kina Shuvee Etrata at Anthony Constantino, Ashley Sarmiento at Rave Victoria, at Sofia Pablo at Iñigo Jose ang sa tingin n'yo, mga Kapuso at Kabarangay, ang mukhang may forever?
Boto na at ipakita sa amin ang inyong mga sagot sa poll na ito!

Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus