Celebrity Life

WATCH: Kim Domingo, naging biktima rin ng body-shaming

By Cherry Elaine Joyce Sun

Sa kabila ng pagiging fit at healthy, na-bully rin daw at nakaranas ng body-shaming si Kim Domingo.

Bago pa man makilala bilang Kapuso Pantasya ng Bayan at FHM’s second sexiest woman sa bansa ngayong taon, nakatanggap ng pangungutya si Kim sa kanyang mga bashers.

Gayunpaman, hindi na lamang daw siya nagpapaapekto sa mga ito.

Aniya, “Para sa akin kasi Diyos na lang ang bahala sa kanila.”

Nakapanayam ng 24 Oras si Kim sa autograph signing ng kanyang photo book na ‘State of Undress.’ Maliban sa kanyang sexy photos ay nakalathala rin dito ang kanyang humble beginnings.

Video from GMA News