Showbiz News

LOOK: Regine at Ogie Alcasid, may delayed honeymoon sa Boracay

By Maine Aquino

Kasalukuyang nasa Boracay ngayon si Regine Velasquez-Alcasid kasama si Ogie Alcasid para mag-celebrate ng kanyang birthday week at para na rin sa kanilang delayed honeymoon.

Si Regine ay nag-celebrate ng kanyang birthday nitong April 22, pero may pahabol pang regalo ang kanyang asawa na si Ogie. Sa isang Instagram post ni Ogie ay ipinaliwanag niya na hindi lang ito birthday celebration kundi isa rin itong honeymoon para sa OPM power couple.

Ani ni Ogie hindi pa sila nagkakaroon ng real honeymoon dahil sila ay biniyayaan agad ng anak na si Nate pagkatapos nilang ikasal. “Since we got married, we haven’t really had a 'real' honeymoon since wifey got pregnant straight away. This time, we have four days to celebrate her birthweek and and enjoy our delayed honeymoon. #tyLord for this. @reginevalcasid”

 

Marami sa tagahanga ng mag-asawa ang nagsabi na sila ay kinilig sa bakasyon na ito. 

 

 

Have fun, Mr. and Mrs. Alcasid!