Showbiz News

WATCH: Aiai delas Alas, hindi inakalang siya ang magwawagi sa Queens World Film Festival

By CHERRY SUN

Inamin ni Aiai delas Alas sa kanyang panayam sa 24 Oras na hindi niya inakalang siya ang magkakamit ng Best Female Actor award mula sa Queens World Film Festival na kamakailang naganap sa New York.

LOOK: Aiai Delas Alas, itinanghal na Best Actress sa Queens World Film Festival 

Kagigising pa lamang ni Aiai nang makarating sa kanya ang balita.

Aniya, “Nakakatulala kasi syempre umaga pa lang [nung nalaman ko]. Buti nga hindi ako um-attend, siguro, hindi ko na makukuha ‘yung award ko. Nahimatay na lang ako. Nakakatawa, kasi nanginginig ‘yung katawan ko kanina nung nalaman ko na ako ‘yung best actress.”

Ayon sa ulat, 156 na pelikula ang lumahok sa naturang film festival ngunit apat lamang dito ang pinagpilian para parangalan ng Best Actress award  at kabilang dito ang pelikula na pinagbidahan ng anak ni Robert Redfort na si Amy.

Kuwento ni Aiai, “Sabi ko nga dati sa Instagram ko, ‘Diyos ko po, kalaban ko ‘yung anak ni Robert Redford.’ Sabi ko, ano naman mga panama ko dito sa mga ‘to? Tapos ‘yun na nga nung ano, nung ako na nga, wala eh, hindi ko.. No words to explain kung ano ‘yung nararamdaman ko talaga eh.”

Lalong inspired at ganado raw ngayon ang Philippine Queen of Comedy sa paggawa ng pelikula. Sa katunayan ay may nakalinya ng bagong film project para sa kanya.

“Ito naman, ibang klaseng nanay naman ako dito so, hindi ko naman ito dream role pero I think isa na naman ‘to sa mahirap na gagawin ko,” bahagi niya tungkol dito.

Maliban sa kanyang trabaho, busy rin si Aiai dahil malapit na silang lumipat sa ipinagawa niyang bagong bahay sa Quezon City.

Sambit niya, “Ano ba ‘yan, refugee ba ‘tong si Aiai? Ang dami kong kahon kasi palipat na kami ng bago naming house. Bigger in a way na mas mataas, oo, pero mas malaki ‘yung lote dati.”

MORE ON AIAI DELAS ALAS:

MUST-SEE: Aiai Delas Alas' high school photo 

WATCH: Aiai Delas Alas shows her appreciation to Mother Lily Monteverde by giving her a cheque and an ampaw

#AiAiTD: Aiai Delas Alas' craziest costumes