Showbiz News

WATCH: Dingdong Dantes, Mikael Daez at Benjamin Alves, nagpo-promote ng GMA shows sa Bangkok

By Bea Rodriguez

Lumipad patungong Bangkok, Thailand kaninang umaga, February 20 ang Kapuso hunks na sina Dingdong Dantes, Mikael Daez at Benjamin Alves para i-promote ang mga pinagbidahang shows.


Nag-partner ang GMA Worldwide sa JKN Global Media sa Thailand para ipalabas doon ang mga piling Kapuso shows. Ipo-promote ng Kapuso hunks ang kani-kanilang shows sa 'Have a Bright Day' event ngayong araw.


Ipapalabas ang 2014 romantic-drama series ni Dingdong na Ang Dalawang Mrs. Real kung saan nakapareha niya sina Diamond Star Maricel Soriano at Lovi Poe.

Saad ng Kapuso Primetime King sa Balitanghali, “Personally, gusto kong pumunta doon para magpasalamat sa kanila at napili nila ‘yung GMA, siyempre.”

Nakatakda rin ipalabas sa Thailand ang romantic-drama series na My Faithful Husband na pinagbidahan nina Ultimate Star Jennylyn Mercado at ng kanyang mga leading men na sina Dennis Trillo at Mikael Daez.

Excited si Mikael bago umalis, “Nae-enjoy talaga nila ‘yung ginagawa nating shows and teleseryes kaya nakakatuwa talaga so nagpapasalamat ako.”

Ang 2015 drama na Beautiful Strangers kung saan tampok sina Heart Evangelista, Lovi Poe at Rocco Nacino ang ipo-promote ng kanilang co-star na si Benjamin Alves, “We’re having an interview with one of the shows there.”

Video courtesy of GMA News