Showbiz News

Dingdong Dantes, na-interview ng media companies sa Thailand

By Maine Aquino

Dumaan sa series of media interviews ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa Bangkok, Thailand.

WATCH: Dingdong Dantes, Mikael Daez at Benjamin Alves, nagpo-promote ng GMA shows sa Bangkok

Ayon sa posts ng kanyang manager na si Perry Lansigan, si Dingdong ay sumalang sa interviews with JKN Global Media at Bright TV.  Ang JKN Global Media ay ang partner ng GMA Worldwide sa pagpapalabas ng Kapuso shows sa Thailand. Ang Bright TV naman ay isang local media company sa Thailand. 

 

Si Dingdong ay nasa Bangkok para mag-promote ng Kapuso shows sa Have a Bright Day event kasama sina Mikael Daez at Benjamin Alves.