TV

READ: Sunshine Cruz, may mensahe sa mga hindi masaya sa paglipat niya sa GMA

By Aedrianne Acar

 

 

Inaabangan na ng Kapuso viewers ang pinakabagong tutukan tuwing umaga na drama, ang Kapag Nahati Ang Puso na mapapanood na simula July 16.

 

Binubuo ang show ng ilan sa pinakamalaki at pinakamahusay na aktor tulad na lang nina Sunshine Cruz, Zoren Legaspi, Bing Loyzaga, Bea Binene, Benjamin Alves at David Licauco.

Sa panayam ng entertainment press sa nagbabalik na Kapuso na si Sunshine Cruz, masaya raw siya na gagawin niya ang kaniyang ikapitong teleserye mula nang bumalik siya sa showbiz five years ago.

Aniya, “Since 2013, nagbalik showbiz po ako and this my seventh teleserye. Nakakatuwa nga GMA 7, tapos seventh. Number seven is really one of my favorite numbers, kasi I was born [on] July 18, 1977 also, so nakakatuwa.”

Inamin din ng celebrity mom na nanibago siya matapos lumipat sa Kapuso Network.

Wika ni Sunshine, “Nanibago? Well pare-pareho lang naman na mababait ang staff dito sa akin pati sa ABS and sa GMA. So, siguro nanibago lang in a way na wala akong kakilala masyado. So ngayon para sa akin, this is something new kasi hindi ko nga minsan kilala ‘yung dapat pagbigyan ko ng pugay.”

“Pero nakakatuwa naman sina Zoren 'pag bumubulong ako 'Sino ba ‘yun?' Inaalalayan naman nila ako,” pahayag niya.

Nagpasalamat din siya sa mga tao na nakakaintindi ng kaniyang sitwasyon kung bakit niya kinuha ang trabaho sa GMA.

“And of course sa mga netizens na nakakaintindi na of course itong choice kong lumipat sa GMA, ‘yung naiintindihan nila that I am single mom, working para sa tatlong anak, maraming-maraming salamat sa mga nakakaintindi sa akin.”

Ano naman ang opinyon niya sa mga Kapamilya fans na hindi sang-ayon sa kanyag paglipat?

Tugon niya, “At dun sa mga hindi, sana maintindihan n’yo na siyempre kailangan ko itaguyod at gusto ko makaramdam ng komportableng buhay ang mga anak ko at habang of course nandito ako at kaya kong magtrabaho, magta-trabaho ako talaga nang maayos. Like what I said, I’m a freelance actress and kung saan may magandang oportunidad at may challenging role dun tayo.”