Celebrity Life

WATCH: Glaiza de Castro, na-in love sa kanyang Irish boyfriend dahil sa isang kanta?

By Marah Ruiz

September pa daw last year nang maging officially together si Kapuso actress Glaiza de Castro at kanyang non-showbiz Irish boyfriend na si David Rainey.

Glaiza de Castro

Sa Siargao daw nagkakilala ang dalawa at nagsimulang nag-usap dahil sa isang kanta.

"May isang song siya na pinatugtog. Hindi siya common eh. Isa 'yun sa mga kasama sa playlist ko ng mga all-time favorite songs ko. Ang title niya, 'Loaded' ng Primal Scream. Sobrang nagulat lang ako na sino 'yung nagpapatugtog na 'yun? Kaninong music 'yun? Tinanong ko na siya na, ano'ng ginagawa mo? Nag-start na 'yung conversation," kuwento ni Glaiza.

Sa ngayon, nasa isang long distance relationship sina Glaiza at David. Nagpapasalamat naman si Glaiza sa effort na ipinapakita ng nobyo kahit magkalayo sila.

"Siya 'yung gumagawa din ng effort eh. Nagpapadala siya ng card. Nagpapadala siya ng flowers minsan. Old school," aniya.

"Gusto ko 'to, gusto ko 'tong ganito. 'Yung thought na may handwritten letter siya, na meron siyang mga kung ano ano pang mga nilalagay, first time ko," dagdag pa niya.

Panoorin ang interview ni Glaiza sa programang Tunay Na Buhay: