Showbiz News

EXCLUSIVE: Tekla, masaya sa suportang ibinibigay ni Aiai delas Alas sa kanyang pelikula

By Michelle Caligan

Abot-langit ang pasasalamat ni Tekla sa pagpayag ni Aiai delas Alas na maging bahagi ng kanyang upcoming comedy movie.

Tekla

Super Tekla, naiyak nang malamang bibida sa isang comedy film

Sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, ibinahagi ng komedyante na excited siyang makatrabaho ang Comedy Queen.

"Walang problema 'yan, bakla rin kasi," sambit ni Tekla sabay tawa.

"Napakabait sa lahat ng artistang nakilala niya, sobrang down to earth. Ang galing, wala sa kanya yung [pagiging sikat], madali mo siyang makagaanan ng loob.

"Hindi niya tinanggihan ang pelikulang ito, kasi nung kasal niya, dumating ako," natatawa niyang kuwento.

WATCH: Aiai delas Alas, may special participation sa upcoming movie ni Tekla

Bagamat kinakabahan sa kanyang first movie, pagbubutihan daw ni Tekla ang pagtatrabaho para sa pambihirang pagkakataong ito.

"Papalapit na ang showing day! Siyempre lahat naman 'yan ay pinaghahandaan, of course hindi naman basta-basta dumating 'yung ganyan.

"Big blessing pero kailangan ng tamang trabaho, pangatawanan mo, andaming adjustments na kailangang gawin sa buhay mo."

IN PHOTOS: At the story conference of Super Tekla's first movie

Ano naman ang masasabi niya sa kanyang leading lady sa pelikula na si Kim Domingo?

"Medyo na-intimidate lang ako kay Kim. Kasi sobrang ganda niya, feeling ko madudumihan ko siya," pabirong sabi ni Tekla.