Showbiz News

LOOK: Alden Richards dazzles Pinoy fans in Hong Kong

By Cara Emmeline Garcia

Pinagkaguluhan si Pambansang Bae Alden Richards sa Hong Kong!

Alden Richards

Sa isang Facebook post, makikita at maririnig na nagtitilian ang fans ng Kapuso actor habang siya'y dumadaan.

Kahit siksikan, todo ngiti pa rin si Pambansang Bae sa kaniyang fans.

Nasa Hong Kong ngayon si Alden para kunan ang kanilang pelikula ni Kathryn Bernardo na may pamagat na “Hello Love, Goodbye” sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.