Showbiz News

EXCLUSIVE: Anak ni Jestoni Alarcon, sasabak sa action-packed series na 'Beautiful Justice'

By Aedrianne Acar

Pinasok na rin ng anak na babae ng versatile actor na si Jestoni Alarcon ang mundo ng showbiz.

Angela Alarcon

Matapos grumaduate ni Angela Alarcon ng BA Speech Communication mula sa University of the Philippines- Diliman ay napili niyang sundan ang mga yapak ng kanyang Daddy Jestoni.

Sa katunayan, big break para sa mestiza beauty ang mapabilang sa bagong primetime series ng Kapuso Network na Beautiful Justice na ipapalabas na sa darating na Lunes, September 9 sa GMA Telebabad.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Angela last September 5, nagkuwento siya ng kanyang experience sa shooting for the primetime series.

Wika ni Angela, “Sobrang saya! Kasi ang daming sorpresa everytime and sobrang nate-test talaga 'yung physical abilities ng mga actors and actresses.”

Madalas makaka-eksena ng Kapuso newbie ang global endorser na si Gabbi Garcia, dahil gaganap siyang bestfriend ni Brie, ang karakter ni Gabbi.

Nakaka-inspire daw na katrabaho ang tulad ni Gabbi na kahit busy ay 'focused' sa kanyang trabaho.

“I saw how dedicated she was in the career na ginagawa niya. Makikita mo talaga kung gaano siya ka hardworking na artista.

“Sobrang busy po kasi talaga niya, pero makikita mo na sobrang focused niyang tao, nakaka-inspire!”

Tinanong din namin si Angela Alarcon kung ano ang advice ng kanyang ama nang piliin niya na i-pursue ang career bilang isang artista.

Kuwento ng magandang dalaga, “Always be focus on your goal like aasahan naman in the future na you can't please everyone, so always focus on your goal no matter kung ano man sabihin sa iyo, kung ano man 'yung negative or pessimistic comment na ibato sa 'yo kailangan tanggap lang.

“And hayaan mo lang sila, you have to focus on what you want to do and achieve in life.”

Catch the action-packed world premiere of Beautiful Justice showing on September 9 on GMA Telebabad after 24 Oras.

Head writer Des Garbes-Severino on 'Beautiful Justice': 'Hindi ko pa siya nagagawa before'

EXCLUSIVE: Bing Loyzaga gives no special treatment to nephew Gil Cuerva on the set of 'Beautiful Justice'