TV

Christian Bautista reacts to being called 'oppa'

By Jansen Ramos

The Clash Ultimate Crush ang turing kay Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista kahit na kilala siya sa pagiging istrikto pagdating sa pag-dya-judge ng singing competition.

Isa laban sa lahat: Most intense vocal battle arises on The Clash Season 2

Lalo pang kinakikiligan ang Kapuso singer dahil sa kanyang new look na ipinost niya sa Instagram kamakailan.

"Oppa" kung tawagin ng netizens si Christian dahil sa kanyang K-Pop haircut.

Sa aming panayam kay Christian noong pictorial ng The Clash judges, halos hindi siya makapagkomento sa label na ibinigay sa kanya ng netizens at nasabi na lamang, "Siguro, ako lang 'yung lalaking judge."

Nang tangungin namin siya kung ano ang reaksyon ng kanyang asawang si Kat Ramnani tungkol sa pagiging The Clash "oppa," sagot ng Asia's Romantic Balleedeer, "She's very happy I'm part of The Clash again.

"I hope that she can visit me [on the set] and watch me be masungit."

WATCH: Ano ang hanap nina Lani, Aiai, at Christian sa 'The Clash' Season 2 contenders?