advertisement
Showbiz News

TINGNAN: Celebrities na hindi natuloy ang pagpapakasal

1 of 12

Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao

Ginulat ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla ang showbiz noong sinabi niyang hindi na umano nag-work out ang kanyang dalawang taong relasyon sa architect boyfriend na si Conrad Onglao. Na-engage sila noong August 30, 2015 ngunit nauwi sila sa hiwalayan. Gayunpaman, nagkabalikan ulit ang dalawa at muli nang pinaplano ang kanilang pagpapakasal.

2 of 12

Jam Sebastian and Michelle Liggayu

Ang tambalang JaMich ang isa sa pinakasikat sa YouTube noon dahil sa kanilang short films na hango sa kanilang totoong kuwentong pag-ibig. “Will you be my happily ever after?” tanong ni Mich kay Jam nang siya ang mismong nag-propose sa kanyang nobyo. Sa kasamaang palad, hindi natuloy ang kanilang beach wedding dahil yumao ang binata noong 2015 dahil sa lung cancer.

3 of 12

Arnell Ignacio and Ken Psalmer

Nag-propose ang game show host na si Arnell Ignacio sa kanyang kasintahan na si Ken Psalmer noong Hunyo 2015. Nanlalaki raw ang kanyang nobyo kaya hindi niya na itinuloy ang kanilang dalawang buwan na relasyon at nanatili na lamang silang magkaibigan.

advertisement
4 of 12

Carlos Agassi and Margo Midwinter

Walong taon ang pagitan ng actor-rapper na si Carlos Agassi sa kanyang dating Filipino-British fiancé na si Margo Midwinter na isa na ring showbiz personality. Tatlong beses pa nag-propose ang aktor ngunit hindi pala diumano gusto ng kanyang ina ang babaeng papakasalan niya kaya hindi nag-workout ang kanilang relasyon.

5 of 12

Zsa Zsa Padilla and Dolphy

Tumagal ng halos 20 taon ang relasyon nina Comedy King Dolphy at Divine Diva Zsa Zsa Padilla at nabiyayaan sila ng anak na si Zia Quizon. Nang mapawalang bisa ang kasal ng actress-singer sa una nitong asawa, nagdesisyon na lamang sila na huwag na magpakasal kahit dalawang beses pa nila itong sinubukan.

6 of 12

Rufa Mae Quinto and Boy2 Quizon

Nagkakilala at naging close ang mga komedyanteng sina Rufa Mae Quinto at Boy2 Quizon sa longest-running gag show na ‘Bubble Gang.’ Naging mag-on ang dalawa at ipinalabas pang magpapakasal na sila noong 12-12-12 pero promo diumano lang pala iyon ng pelikula ng kanyang boyfriend. Hindi nagtagal ang kanilang relasyon ngunit nanatili silang magkaibigan.

advertisement
7 of 12

Angel Locsin and Luis Manzano

Kahit walang engagement party at singsing na ibinigay ang Kapamilya host na si Luis Manzano sa kanyang long-time girlfriend na si Angel Locsin, aminado ang dalawa na nag-usap na sila tungkol sa kanilang dream wedding. Nitong Abril lang naging maingay ang pangalan ng dalawa sa pagtatapos ng kanilang second chance at love.

8 of 12

Denise Laurel and Sol Mercado

Kahit walang engagement party at singsing na ibinigay ang Kapamilya host na si Luis Manzano sa kanyang longtime girlfriend na si Angel Locsin, aminado ang dalawa na nag-usap na sila tungkol sa kanilang dream wedding. Nauwi sa hiwalayan ang kanilang pag-iibigan at nasangkot pa ang girlfriend ngayon ni Luis na si Jessy Mendiola na itinuturong dahilan sa naging hiwalayan.

9 of 12

Gwen Zamora and Jeremy Marquez

Ang longtime celebrity couple na sina Denise Laurel at Sol Mercado ay nauna nang nagbalak magpakasal subalit sila ay nagkahiwalay. Sinubukan din nila agad ayusin ang kanilang relasyon noong 2017 ngunit diin ng aktres na ayaw niyang i-pressure ang kanyang fiancé sa pagpapakasal ngayon.

advertisement
10 of 12

Gladys Guevarra

Ang pagtatalo ni Gladys Guevarra sa kanyang fiancé na si Leon Sumagui, hindi lang nauwi si hiwalayan. Natangayan pa diumano ng pera ang komediyante mula sa kanyang online business. Maaalalang na-engage sina Gladys at Leon noong November 2019.


11 of 12

Toni Aquino and Rick Centurion

Noong 2018 na-engage ang anak ni Ruby Rodriguez na si Toni Aquino kay Rick Centurion na kabilang sa US army.

Hindi man nila binalak na magpakasal agad, hindi na rin matutuloy ang kanilang plano. Noong September 2020, sa pamamagitan ng kanyang Instagram story, ibinalita ni Toni na hiwalay na sila ng kanyang nobyo.

12 of 12

Buboy Villar and Angillyn Gorens

Taong 2016 nang ma-engage si Buboy Villar at ang kanyang American girlfriend na si Angillyn Gorens. Ngunit matapos ang apat na taon at mabiyayaan ng dalawang anak, nauwian sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Ayon kay Angillyn ay mutual decision daw nila ito at nangako pa ring magiging magulang sa kanilang mga anak.

advertisement