Showbiz News

WATCH: Barbie Forteza and Kate Valdez's unboxing videos of GMA Affordabox

By Al Kendrick Noguera

Isang napakalaking handog ng GMA sa mga Kapuso ang pag-launch ng sarili nitong Digital Terrestrial Television (DTT) receiver, ang GMA Affordabox, noong Biyernes, June 26.

Netizens, na-excite sa pagdating ng GMA Affordabox

Ilan sa mga naunang magkaroon ng GMA Affordabox ay ang mga Kapuso stars kabilang na ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday actors na sina Barbie Forteza at Kate Valdez.

Sa katunayan nga ay may kani-kaniya silang unboxing video ng GMA Affordabox!

Inisa-isa ni Barbie ang features ng GMA Affordabox at kinilig pa siya nang makita ang larawan niya sa mismong box ng unit!

It is now for sale online and in stores for the following areas where GMA digital signal is already available : Metro Manila, Benguet, La Union, Pangasinan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bohol, Cebu, Leyte, Davao de Oro, Davao del Sur and Davao del Norte. @gmanetwork

Isang post na ibinahagi ni Barbie Forteza (@barbaraforteza) noong

Ibinida rin niya ang exclusive feature nito na personal video recorder. "P'wede kayong mag-record. Kunyare mayroon kayong mga Kapuso teleserye na hindi mo mapapanood dahil sa nasa trabaho kayo, p'wede n'yo siyang i-record dito tapos panoorin n'yo na lang sa gabi. Oh 'di ba? Ang bongga! I love it," aniya.

Samantala, ipinakita naman ni Kate kung ano ang laman ng GMA Affordabox.

Available na ang GMA Affordabox sa GMA Store ng online shopping platforms na Shopee at Lazada.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa GMA Affordabox, pumunta lang sa www.GMAaffordabox.com.

Dingdong Dantes, Heart Evangelista on being the face of GMA's Affordabox: "No convincing needed"

GMA Affordabox is GMA Network's anniversary gift to Filipino viewers