Showbiz News

Gladys Reyes opens her online acting class

By Dianara Alegre

Nagbukas ng online acting workshop si Kapuso actress Gladys Reyes na nagsimula nitong July 6 at magtatagal hanggang July 19.

Inanunsiyo ng aktres ng kanyang “Moment Ko 'To!” acting workshop sa kanyang social media account.

Ayon sa aktres, ibabahagi niya sa kanyang mga enrollees ang mga natutunan niyang acting techniques sa loob ng 36 taon niya sa industriya.

“Aside from ibang mga technique din, hahaluan ko rin nu'ng base on my personal experience.

"Thirty-six years ako in the business na seven years old pa lang, umaarte na 'ko,” sabi ni Gladys sa panayam ng 24 Oras.

Dagdag pa ng aktres, bukod sa kanyang personal approach, ituturo niya rin ang mga input na naibahagi sa kanya ng mga mahuhusay na direktor na nakatrabaho niya.

“I'm just grateful kasi nakatrabaho ko sina Direk Marilou Diaz Abaya, 'yung mga mahuhusay nating mga direktor. Ang dami rin talagang naituro at naitulong sa 'kin,” aniya.

Bongga ang acting class ni Gladys dahil mayroon pa siyang kliyente na mula pa sa ibang bansa.

“Nakakatuwa 'yung response kasi hindi lang dito sa Pilipinas kahit sa ibang bansa. Kasi mayroon akong enrollee ngayon from France,” pagbabahagi pa ng aktres.

Tumatanggap si Gladys ng enrollees na edad 13 pataas at bukas din ito sa mga kapwa niyang mommy.

Gladys Reyes is Thea Tolentino's kontrabida idol

Samantala, para naman sa mga nagnanais na matuto o maghasa ng kanilang skills pagdating sa filmmaking, magdadaos si award-winning director Adolf Alix Jr. ng online filmmaking class ngayong July.

“COMING BACK TO MY SECOND LOVE. The last time I handled a film class was back in 2009. I always wanted to do it again if and when I have time.

“Now, I guess I can go back to it and I'm a little nervous but excited as I will be doing an online class on filmmaking--writing and directing with discussions about storytelling, creativity and finding your filmmaking path.

“Ten online sessions on Zoom starting July. Part of the proceeds will be for my immediate shooting family at Noble Wolf Productions,” post ng direktor sa Instagram.

Adolf Alix, Jr.'s 'Mystery of the Night' to be screened in Cannes 2019