
Sa ikatlong linggo ng When The Weather is Fine, ipinagtapat na ni Hannah (Park Min-young) ang tunay na nararamdaman para kay Joshua (Seo Kang-joon).
Sa kabila nang pagtatapat na ito, pakiramdam ni Hannah ay unti-unting lumalayo sa kanya si Joshua. Dahil rito, ipinagtapat ng una na hindi na niya ipipilit ang pag-ibig sa huli.
Nang papaalis na sana si Hannah mula sa pag-amin, agad na hinawakan ni Joshua ang kamay nito at hinalikan. Ipinagtapat na rin ni Joshua kung kailan unang nahulog ang loob niya kay Hannah.
Ayon kay Joshua, nahulog ang loob niya kay Hannah sa kanilang unang pagtatagpo noong mga bata pa sila kung saan inabutan nito ng salagubang ang huli.
Samantala, sa kabila ng masasakit na pinagdaanan sa buhay, nais pa ring sabihin ni Joshua sa kanyang ina kung gaano niya ito kamahal.
Patuloy na subaybayan ang When The Weather is Fine, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m sa GMA.
Balikan ang mga eksena sa When The Weather is Fine:
When The Weather is Fine: Hannah and Joshua's closure | Episode 11
When The Weather is Fine: Joshua's first love | Episode 12
When The Weather is Fine: Joshua found peace with Hannah | Episode 13
When The Weather is Fine: A son's unconditional love | Episode 14