TV

EXCLUSIVE: Maine Mendoza, ayaw isipin ang kumpetisyon ng 'Destined To Be Yours'

By MARAH RUIZ

 

Naniniwala daw sa destiny si Philippine Dubsmash Queen Maine Mendoza kaya naman bagay na bagay sa kanya ang kanyang upcoming teleserye na Destined To Be Yours.

"[Destiny] itong nangyari sa akin, ito pong bakit ako nandito ngayon sa showbiz. Naniniwala ako na destiny ko talaga na mapunta dito sa tamang panahon, sa tamang oras, [at kasama ang] tamang mga tao," sambit niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Higit na naging espesyal ang serye para kay Maine dahil ito ang unang teleseryeng pagbibidahan nila ng kanyang ka-love team na si Alden Richards. 

Ito rin ang kanyang debut bilang isang primetime actress. Batid ba niya ang pressure bilang bida sa isang primetime soap? 

"Medyo hindi naman ganun [kabigat] 'yung pressure sa akin kasi ginawa naman namin 'to para sa AlDub Nation. Ang talagang importante sa amin ni Alden ay magustuhan nila. 'Yung competition, hindi ko siya iniisip," sagot ni Maine. 

Excited na rin daw siyang maibahagi ang kuwento ng kanilang serye sa mga manonood. 

"Abangan nila kung ano 'yung iba—kung ano 'yung difference ng roles namin sa Kalyeserye and sa movie (Imagine You & Me). Sila na ang mag-distinguish kung ano ba ang iba, kung anong bago, kung anong meron dito, kung ano 'yung mga 'yun," paliwanag niya. 

May mensahe naman si Maine para sa mga fans nila ni Alden.

"AlDub Nation at sa lahat po ng Kapuso, sana po abangan niyo ang kauna-unahan naming teleserye ni Alden na Destined To Be Yours, malapit na. Sa February 27 na 'yan kaya abangan niyo. Salamat!" pahayag niya. 

Mapapanood ang worldwide premiere ng Destined To Be Yours, pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.

Para sa simulcast nito sa GMA Pinoy TV, i-check ang availability ng GMA Pinoy TV sa inyong mga lugar at mag-subscribe dito. 

MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':

GMA, hinintay ang 'tamang panahon' para kay Maine Mendoza

EXCLUSIVE: Alden Richards, mas naka-focus sa kuwento kesa ratings