TV

Gil Cuerva, tuloy-tuloy for 10 hours pinanood ang 'My Love From the Star'

By GIA ALLANA SORIANO

Sa isang exclusive interview ng GMAnetwork.com sa aktor na si Gil Cuerva, naikuwento niya na tuloy-tuloy niyang pinanood ang Koreanovela na My Love From The Star.


Ani ni Gil, “May isang day na ten straight episodes ang pinanood ko. ‘Yung isang episode, more or less, an hour [ang duration niya.] So, probably, mga ten hours straight ako nanonood. Mga one after dinner, hanggang sa umabot na sa umaga. Tinuloy tuloy ko, eh.”

Si Gil ang gaganap bilang si Mateo sa Philippine remake ng hit Korean drama na ito. Aniya, nakatapos siya ng ten episodes sa isang araw dahil very unique and kakaiba ang storya ng My Love From The Star para sa kanya.

Ika niya, “Exciting kasi 'yung story, sobrang naging interested ako sa kanya. Funny at nakakakilig siya, pero it’s very unlikely [and different from other dramas.]”

MORE ON 'MY LOVE FROM THE STAR':

10 things you didn't know about Gil Cuerva

Gil Cuerva called "beautiful" in his recent magazine feature

IN PHOTOS: Kilalanin ang "Duchess" sa buhay ni Gil Cuerva

Tags:
gil cuerva